Advertisers

Advertisers

Mayor Isko napasugod sa malaimpiyernong sunog sa Tondo

0 25

Advertisers

UMABOT sa ‘Task Force Charlie’ ang malaking sunog na tumupok sa mga kabahayan sa Happyland, Aroma sa Tondo, Maynila nitong Miyerkoles ng umaga.

Sa pinakahuling update mula sa Bureau of Fire Protection, umabot sa humigit-kumulang 1,500 pamilya na nawalan ng tirahan nang lamunin ng apoy simula 9:00 ng umaga nitong Miyerkules.

Upang mapabilis ang pag-apula sa sunog, nagpadala ang Office of the Civil Defense (OCD) ng tatlong helicopter o heli bucket, ayon kay Manila Mayor Isko-Moreno Domagoso na nanggaling pa ng probinsya.



Personal na nagtungo sa sunog at ipinag-utos ng alkalde sa Department of Social Welfare Development (MDSWD) partikular kay Director Jay De La Fuente na ibigay ang anumang mga pangangailangan ng mga residenteng apektado ng sunog.

Ayon kay De La Fuente, apat na evacuation centers ang kanilang gagamitin bilang pansamantalang matutuluyan ng mga nasugan sa Brgy. 105.



Habang inaapula ang sunog, bigla namang bumuhos ang malakas na ulan na malaking tulong para sa mga bumbero na maapula ang sunog.

Sa report, gawa ang mga bahay sa light materials na karamihan ay barung-barong at may mga nakatambak na kalakal o junk shop na lalong nagpalala sa paglaki ng sunog dahil sa mga kalakal na madaling kainin ng apoy.



Katuwang din ng BFP ang MDRRMO, MPD, Manila Health Department (MHD) at MDSWD at Philippine Red Cross .

Isang bumbero ang iniulat na sugatan habang sinisikap na apulahin ang malaking sunog.
(Jocelyn Domenden)