Advertisers
SAMUT-SARING opinyon na naman ang parating ng Sports followers sa bagong rule na ibinaba ng top professional league PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION (PBA). Nagbaba ang PBA Board ng 3-year ban sa players na hindi pipirma ng bagong kontrata sa team at lilipat sa foreign league.
Kasunod ito ng sunud-sunod na paglipat nina JAMIE MALONZO (GINEBRA), ARVIN TOLENTINO (NORTHPORT), WILLIAM NAVARRO (MAGNOLIA) sa foreign leagues. Maaring apektado rin si DAVE ILDEFONSO (NORTHPORT) na unang lumipat, damay pa ang drafted players na hindi pipirma sa PBA.
Patuloy ang paglipat ng PBA starcageras sa foreign leagues habang umabot na sa 19 players ang unang batch kabilang ang young 7’3″ supercager na si KAI ‘ KAIJU’ SOTTO.
Obvious na high salary ang top reason ng lipatan para sa oportunidad habang bata pa sa karera, masuportahan ang sarili at pamilya. Valid reason yun na mabilis maunawaan ng lahat. Marami ang hindi rin pabor sa bagong PBA rule ng 3-year ban, bilang sagot sa problemang paglipat ng star players sa foreign leagues.
Mababa pa nga ba ang salary bracket sa PBA at angat na ang sweldo ng players sa pro league na ring MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE (MPBL) na itinatag ni boxing icon turned politician MANNY ‘Pacman’ PACQUIAO? Kung may tatayo pang dagdag professional league para may fall back ang dumarami pang Pinoy basketball players, welcome ba, capitalizing sa paniniwalang. “The more..the merrier” ?
Sa kabila ng malaking pagbabago dulot ng technology sa paglawak pa ng Cyberworld, patuloy na lumalaban at.nakikipagsabayan ang PBA sa golden year nito at namamayagpag na ulit ang activities para sa PBA 50th Season. Marami sa Sports aficionados ang naghababap sa nakaugaliang takbo ng PBA games and scenarios, bumabatikos sa halip sumuporta. Di po ba, may pamosong linya….”Nothing is definite in this world but CHANGES?
Sa tingin namin, despite any negativity concerning the issue, it remains a fact, PBA remains the top pool of cagers producing the finest Pinoy caging pride sa bansa. Malinaw na ang interes ng foreign leagues sa PBA cagers ay malaking karangalan lifting PBA values in Philippine Sports.
Hindi kabawasan kundi pogi points ang paglipat ng sinumang finest PBA protege sa foreign leagues.Tigilan na po sana ang negativity. Ang pag-unlad in terms of popularity and financial gain ng bawat cager from PBA ay worth-applauding instead. Sana lang po, .maunawaan pa at suportahan natin, both parties
AUGUST CHEERS
HAPPY BIRTHDAY to Dr. LUIS GATMAITAN of Talavera, Nueva Ecija and to MALOU CORTEZ of City Administrator’s Department, Mandaluyong Local Government Unit (LGU).More birthdays to come! Best blessings be with you! HAPPY READING!