Advertisers

Advertisers

LAKBAY ARAL MAHALAGA O PAGWAWALDAS?

0 2,171

Advertisers

Ang LAKBAY ARAL PROGRAM ay isang pamamaraan ng LEARNING JOURNEY para sa mga mag-aaral, leaders at maging ng mga propesyonal na matutunan ang iba-ibang mga bagay sa aktuwal na mga masasaksihan at makasasalamuha sa mga kapaligiran.

Gayunman, kadalasa’y hindi naman ito ang nagiging resulta dahil karaniwa’y hanggang pamamasyal o paglalamiyerda lamang ang mga estudyante na ito ang ninanais ngayon ng SENIOR CITIZENS PARTY LIST na malimitahan ang pagwawaldas ng salapi at sa halip ay magamit sa wastong sistema para sa lipunan.

Nitong nakaraang August 8, 2025 sa naging VOURTESY CALL ng mga bumubuo ng PAMAMARISAN PRESS CORPS kay MERALCO VICE PRESIDENT/HEAD OF CORPORATE COMMUNICATIONS JOE ZALDARIAGA ay natiyempong nakaharap din si SENIOR CITIZENS PARTY LIST REPRESENTATIVE RODOLFO “OMPONG” ORDANES na nasentro ang talakayan sa kapakanan ng mga matatanda nating mamamayan.., na kahit matatanda na ay nakagawian nang laging umaasiste sa pangangailangan ng mga apo.

Sa larangan ng edukasyon ay isinasagawa ang LAKBAY ARAL PROGRAM.., na ayon kay REP. ORDANES ay hindi naman naIimplementa ang layunin ng programa, kaya ninanais nitong mabawasan o malimitahan ang mga UNJUSTIFIED LAKBAY ARAL.

Si REP. ORDANES ang VICE CHAIRMAN OF THE HOUSE COMMITTEE ON SENIOR CITIZENS na ito rin ang may-akda sa batas na ikinalikha ng NATIONAL COMMISSION OF SENIOR CITIZENS (NCSC) ay siya rin ang naghain ng kaso laban sa dating NCSC CHAIRMAN dahil sa nakagawiang paglulustay ng pondo o paglalamiyerda sa iba-ibang mga bansa na wala namang kaugnayan para sa NCSC MANDATE.

Bunsod nito ay maigting na isinusulong ni REP. ORDANES ang pagpapatupad ng EXPANDED SENIOR CITIZEN LAW, ISKOLAR NG BAYAN, at GERIARTRIC HOSPITAL na pangangalaga sa kundisyon ng mga tumatanda.., na pagsapit sa edad 65 pataas ay napakahalaga ang pagmomonitor sa kalusugan ng mga ito at ang pagbibigay importansiya sa DIALYSIS ng SENIOR CITIZENS PATIENTS na mismong si REP. ORDANES ay dumanas na rin ng DIALYSIS PROCEDURES.

Isusulong din ni REP. ORDANES ang ISKOLAR NG BAYAN na ang 1% sa 30%. ng SPECIAL EDUCATION FUND (SEF) ng LOCAL GOVERNMENT UNIT ay gagamitin para magbenepisyo ang libong estudyante na lulutas sa literacy problem ng bansa.., na ito ay makaaasiste sa gugulin ng mga matatanda na nag-aasiste rin sa kanilang mga nagsisipag-aral na mga apo.

Maging si JOE ZALDARIAGA ay suportado ang advocacy ng SENIOR CITIZENS PARTY LIST lalo na ang pagtulong sa mga pasyente ng CHRONIC KIDNEY DISEASE (CKD).., na aniya ay kinakailangang maging atentibo ang mga SENIOR CITIZEN sa kundisyon ng kanilang CREATININE LEVEL at ayaw nitong madanasan pa ng kaniyang mga anak ang kaniyang dinanas mula sa kakapusan din ng kaniyang mga magulang!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.