Advertisers

Advertisers

Parañaque City Administrator Ding Soriano tunay na maaasahan

0 91

Advertisers

ISA si City Administrator Atty. Ding Soriano sa mga opisyal ng Parañaque LGU na dedicated at hands on sa kapakanan ng mga Parañaqueños maliban sa masipag at butihing ama ng lungsod na si Mayor Edwin L.Olivarez.

Si Soriano ay isang down to earth at workaholic person kahit sino tinutulungan at hinaharap.

Kaya nga siya ang pinagkakatiwalaan ni kuya Edwin, Kahit wala si Mayor Olivarez sa City Hall lahat ng mga frontline services ng Office of the Mayor ay nagtatrabaho nang maayos dahil na rin kay Soriano.

Pati ang mga kasapi ng media na bumibisita sa City Hall ay hinaharap at ine-entertain ng maayos.

Sadyang napaka low profile at napakabait ng city administrator.

Sa buong Metro Manila napuntahan kona ang mala-palasyong mga tanggapan ng City Administrators, pero mas gusto ni Soriano na maging simple at payak na tanggapan.

Aanhin mo nga naman ang isang mala-palasyo na opisina kung malatuba naman ang kalidad ng pagkakaloob ng serbisyo sa mamamayan.

Abay dun na ako sa masikip na tanggapan kung nag-uumapaw naman ang mga ipinagkaloob na serbisyo.

Kaya nga buong buo ang tiwala ni Mayor Olivarez kay CA kahit noong Congressman pa si Kuya Edwin si Soriano pa rin ang kanyang Chief of Staff kumbaga parang magkarugtong na halos ang kanilang pusod.

Isang titig lang ni Kuya Edwin kay Admin nagkakaintindihan na ang dalawang opisyal.

Sa madaling salita hindi na kailangan diktahan at magkaloob ng specific instructions si kuya Edwin dahil alam na ito ni admin kung ano ang makakabuti sa lungsod.

Matatandaan noong kasagsagan ng bagyong crising, dante at emong na pinalakas ng habagat maraming lugar sa lungsod ang binaha, kasama ng masipag na alkalde si admin na nag-monitor 24/7.

Kung si Mayor Olivarez ay nasa kanlurang bahagi ng siyudad na nagkakaloob ng ayuda sa kanyang mga constituents na sinalanta ng tubig baha, si City Administrator Soriano naman ay nasa hilagang bahagi at namimigay din ng tulong sa mga apektado ng kalamidad.

Ito ang diskarte nila upang mapabilis na maipamahagi ang mga ayudang kakailanganin ng mga residente ng lungsod.

Again, keep up the great work mga Sir at Mabuhay kayo!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.