Advertisers

Advertisers

Footbridge ng DPWH sa Maynila daan-daang milyon ang halaga pero ‘di pa matapos-tapos – Sen. E. Tulfo

0 82

Advertisers

NAIS ni Senador Erwin Tulfo na paimbestigahan sa Senado ang isang footbridge sa Maynila na bukod sa daan-daang milyong pisong overprice, iniwang hindi tapos ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon sa dokumento na nakuha ni Sen. Tulfo mula sa DPWH, ang “Pasig River Esplanade (foot) bridge” ay pinondohan noong 2019 ng P284,323,019.22 at may haba lang na 350 feet o 107 linear meters.

“From the very start pa lang sobrang overprice na siya dahil lumalabas na mas mahal pa sya sa mga four lane vehicular bridges na naitayo sa Maynila”, ani Sen. Tulfo.

Ayon pa sa Senador, “Base sa records ng ahensya ang Binondo-Intramuros Bridge at ang Estrella-Pantaleon Bridge na kapwa sa Maynila ay nagkakahalaga ng P1.3 million kada metro, pero itong footbridge nasa P2.6 million ang halaga kada metro”?

“Mas mahal pa itong footbridge kumpara sa nasabing dalawang four lane vehicular bridge dyan sa Binondo,” dagdag pa ng Senador.

Anang neophyte na Senador dapat ipaliwanag ng DPWH kung bakit mas mahal pa ang foot bridge na ito kaysa sa dalawang tulay sa Binondo na daanan ng mga sasakyan.

“Pero ang pinakamasklap, 6 years na hindi pa tapos ang tulay dahil wala pa sa kalahati ang naitatayo”, dagdag pa ng Senador.

“Ang masama pa, ubos na raw umano ang pondo na P284 million!!!”, pahabol ni Tulfo.

Napag-alaman na panahon pa ni DPWH National Capital Regional Dir. Ador Canlas, ngayo’y Undersecretary na, ng ma-aprubahan at umpisahan ang proyekto.

Ayon pa kay Tulfo,” Tanging si Usec. Canlas lang ang makakasagot kung bakit pinayagan nya ang pagkamahal-mahal na bridge at kung bakit hindi pa ito tapos hanggang ngayon”.