Advertisers
NABISTO ang isang staff ng senador na nag-marijuana sa loob ng Senado.
Ayon sa ulat, nangamoy “MJ” ang Senado sa kalagitnaan ng sesyon.
Kaya naman nagmistulang sniffing dog ang mga tauhan ng Senate Sergeant at Arms para hanapin kung sino ang “umiskor” ng “tsongke” sa session hall.
Natunton ang babaeng staff sa isang CR sa Senado na amoy tsongke pero wala na ang mga ebidensiya na maaari raw na nai-flush na nito sa inidoro bago pa siya matunton.
Ayon kay Senate Sergeant at Arms retired Major General Mao Aplasca, iniim-bestigahan na nila ang natu-rang report.
Ayon pa sa ulat, dati nang nasangkot sa parehong isyu ang babaeng staff na ito pero nakalusot sa pananagutan dahil sa matinding kapit sa kanyang boss, na dati rin niyang katrabaho bago sila nakapasok sa Senado.
Kaugnay nito, tiniyak ni Aplasca na isusumite nila kay Senate President Chiz Escu-dero ang resulta ng isinasagawa nilang imbestigasyon.
Pinaiimbestigahan na rin ni Senador Robin Padilla ang napaulat na isang staff niya ang nahuling gumagamit ng marijuana habang nasa palikuran.
Ayon kay Atty. Rudolf Philip Jurado, chief of staff ni Padilla, naghihintay pa sila ng incident report at written explanation mula sa Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) kaugnay sa nasa-bing empleyado.
Nilinaw rin niya na hindi siya pinatawag ng OSAA, kundi kusa itong nagpunta roon upang kumpirmahin kung ang kanilang opisina ang tinutukoy sa nasabing insidente at upang kumuha ng kopya ng incident report.
Patuloy ang random drug test sa mga empleyado at staff ng Senado.