Advertisers

Advertisers

2 ESKORT NG NEGOSYANTE PUMALAG SA PARAK, TODAS!

0 19

Advertisers

TODAS ang dalawang security escorts ng isang negosyante nang manlaban sa mga pulis na magsasagawa ng search ng mga baril sa ta-hanan ng kanilang amo sa Barangay Bulakanon, Ma-kilala, Cotabato nitong Huwebes ng madaling araw, August 14, 2025.

Sa inisyal na ulat ng Cotabato Provincial Police Office, kinilala ang mga nasawi na sila Jovito Regidor Roa at Paul Lacorte Pedroso, kapwa miyembro ng isang Philippine Army unit, at security escorts ng negosyanteng si Ramon Floresta.

Ayon sa local executives at mga opisyal ng Makilala Municipal Police Station, magsasagawa lang sana ng search ng mga baril ang mga operatiba ng iba’t ibang units ng Police Regional Office-12 sa tahanan ni Floresta sa Purok Gumasak, Barangay Bulakanon nguni’t pinaputukan sila nila Roa at Pedroso kaya nagka-engkwentro, na nag-resulta sa pagkamatay ng dalawa.



Kinumpirma ng provincial police officials na isang pulis ang sugatan sa shootout, na agad na isinugod sa ospital para malapatan ng lunas.

May natagpuang isang Glock .45 caliber pistol, 2 M16 assault rifles at iba’t- ibang kalibre ng mga bala sa tahanan ni Floresta ang mga pulis na nagsagawa ng natu-rang law-enforcement operation.



Nasa kustodiya na ng Ma-kilala Police si Floresta na tahasang itinanggi na pag-aari niya ang mga baril na natagpuan sa loob ng kanyang bahay.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">