Advertisers

Advertisers

MALAKANYANG HINIMOK SI MAYOR MAGALONG MAGBIGAY NG EBIDENSIYA NG MGA ANOMALYA SA FLOOD CONTROL PROJECTS

0 23

Advertisers

NANAWAGAN ang Malakanyang nitong Huwebes kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong na magsumite ng ebidensya upang patunayan ang kanyang pahayag na may impormasyon tungkol sa mga iregularidad sa mga proyekto sa pagkontrol sa baha.

Sa isang press briefing, hinimok ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro si Magalong na magpakita ng ebidensya laban sa mga indibidwal na sangkot sa katiwalian sa mga proyekto sa pagbaha, na iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na imbestigahan.

“At kung ano po ang maitutulong ni Mayor Magalong, mas maganda po na ito’y mailahad niya sa Pangulo,” sabi ni Castro nang tanungin sa komento ni Magalong sa mga akusasyon umano sa mga ilang mambabatas na nag-kickback ng halos 30 to 40% sa flood control at infrastructure project funds.



“Iyong sinasabi nilang 67 congressmen, at mukhang nakilala sila ni Mayor Magalong, hindi po ba mas maganda na ibigay na niya ang report na ito sa ating Pangulo? At kung kinakailangan mai-demanda o makasuhan ng may sapat na ebidensiya, agad-agad na din pong gawin,” giit pa ni Castro.

Sa alok ni Magalong na pamunuan ang imbestigasyon, sinabi ni Castro na nagbigay na ng utos si Pangulong Marcos sa mekanismo at sistema para sa imbestigasyon, na tinitiyak ang patas at malinaw na proseso.



Unang-una po naibigay na po ng ating mahal na Pangulo ang mga sistema, ang sistema kung papaano ito maimbestigahan. At nagbigay na rin po siya ng direktiba sa Regional Project Monitoring Committees,” ani Castro na tinutukoy ang mekanismo sa ilalim ng Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev).

“Kung ano po ang meron siya, kung ito po ay kumpleto na maari niya po itong isumite agad-agad sa ating Pangulo,” binigyan diin ni Castro.



“Dahil ang sinabi niya ay marami po siyang nalalaman. So mas maganda po na ito ay detalyado. Hindi po pwede muli na tayo ay magturo lamang,” dagdag pa ni Castro. (Vanz Fernandez)