Advertisers

Advertisers

Ano ang katatayuan natin laban sa Korupsyon? Desidido ba ang adminstrasyon na sugpuin ito?

0 5,533

Advertisers

Lahat ng mamamayan, nagbubuwis o hindi, ay may Karapatan na inilaan ang ating Konstitusyon mula sa oras ng kanyang pagluwal sa mundong ibabaw. Ang Bill of Rights na ito ay sagrado at hindi pupwedeng sansalain o salanggain ng iba. Hanggang sa kamatayan, kahit pa siya ay isang kriminal nasa katauhan niya ang Karapatang ito na nasusulat sa ating Saligang Batas.

May sinasabi si Baguio City Mayor Benjamin Banez Magalong na siya ay katuwang ng adminstrasyon Marcos Jr sa layunin itong wakasan ang kultura ng korupsyon sa bansa…hindi siya kontra o kalaban. Mariin niyang sinabi ito sa kanyang mga pahayag sa radio at telebisyon at lalo na sa kanyang postings sa social media.

Ramdam ng dating heneral ng PNP na parang “villain” pa yata ang tingin sa kanya ng iba sa adminstrasyong Marcos at me paghamon pa ang huli na pangalanan niya ang mga taong nasa likod ng sinasabi niyang skema ng mga sangkot sa korupsyon sa bansa.

Tahimik ang Senado!!! Hinayaan nilang pumailanlang si Magalong — tulad ng isang papagayo o saranggola…umalagwa. May nararamdaman din sila? Ang kanilang pangulo ay nasa sentro ngayon ng usap-usapan na umano’y tumanggap ng campaign contribution mula sa isang kontraktor na may basbas na makipag-deal sa government projects—na sabi ng iba ay labag sa batas!?

Ang usaping POGO at on-line gambling ay isa pa ring sakit ng ulo ng bayan dahil sa pagkakalulong ng mga kabataan at maraming mga nagbabaka-sakaling manalo o mabilisang pera. Pero lugar na ito ay agarang masolusyunan tulad ng ibig ng administrasyong Marcos Jr… e tipong me agam-agam ang tulad ko, na baka di magtagumpay dahil ang sinasabi ng isang komite ng Senado na malaki ang na-generate na pera nito para sa pangangailangan ng gobyerno—na di nagawa ng alin mang generating agency o department sa kasalukuyan.

Hindi ko sinasabing hindi yata nila natutunghayan pa ang resume o biodata ni Benji o Magalong sa katawagan ng iba na nanilbihan sa Camp Crame mula 1982. Paki busisi po…alamin sa paborito ninyong Google app.

Ang talk of the town nuon ay ang Mamasapano Massacre na kung saan sinawing palad ang 44 PNP SWAT. Si Benji ang nanguna sa imbestigasyon ng kahindig-hindig na ambush na ito ng mga tauhan ng PNP SWAT kung saan siya ay minsan naging Battalion Commander ng isa sa mga batalyon nito bago pa siya naging Director ng PNP Criminal Investigation and Detection Group. Kung imbestigasyon din lang ang paguusapan, panuntunan na ni Benji sa kanyang sarili at sa sinumpaang tungkulin sa serbisyo sa bayan at sa tao ang “katotohanan lang—pawaang katotohanan lang”.

Umani ng papuri si Benji nang matapos ang kabuuan ng imbestigasyon ng Mamasapano Massacre na pati ang dating Pangulong Noynoy Aquino mismo ay nakaladkad sampu na ng kaklase niya sa PMA Class 82 — mabigyan lang ng katarungan ang pagkakamatay ng 44 na PNP SAF troopers.

Sa Baguio City itong huli, nasumpungan kong makitang muli si Benji nuong Abril sa Harrison Road kung saan habang naga-gas up kami pauwi — nasilayan siya ng aking asawa na nasa pasinaya sa isang bantayog ng isang war veteran. Being a long-time friend at officemate sa CIDG ito ang kaunaunahang pagkikita namin simula ng ako ay nagretiro sa PNP.

Ang basa ko sa mga pronouncement niya sa radio at telebisyon at sa kanyang FB wall ay mungkahi ang pagalok niya na bigyang diin ang anti-corruption campaign ni President FR Marcos Jr. Given his credentials in public safety service, my modest take is Benji suggests a viable jumpstart with a no non-sense investigation to signal a concerted national effort to weed out corruption and send to jail these individuals and groups responsible for defrauding government and siphoning funds into their bloated pockets. Walang ibang hidden agenda si Benji sa mungkahing ito at alam ko na ibig na rin niyang mag-break. Serious worker, that’s Mayor BBM for you who casts doubt on him. That’s not the way how to treat a genuine public servant and crusader for good governance!!! Iilan lang silang nakikita natin sa grupo – – – si Pasig City Mayor Vico Sotto at si QC Mayor Joy Belmonte at siya — all worthy to be addressed “Honorable”!

Would this sound a challenge to the new set of “elected senators” who have been a bit silent on BBM’s anti-corruption battle cry “MAHIYA NAMAN KAYO?!” Ang daming komite — may matatrabaho ba o manginginain na lang kayo “with gusto” habang gumigiling ang nakatuong camera? Your rhetorics on microphone doesn’t amuse listeners anymore, you are not addressing what people — we the taxpayers– need to hear from you. In short, you are being EVASIVE! C’mon …. give the people their votes’ worth!!!

IF AND WHEN A FULL BLOWN INVESTIGATION BY A PALACE APPOINTED INVESTIGATIVE BODY COMES UP WITH FINDINGS THAT POLITICIANS AND CONTRACTORS AND GOVERNMENT OFFICIALS ARE IN CAHOOTS WITH EACH OTHER — WOULD IT NOT BE FAIR TO SAY “IT’S A GREAT RESPITE FOR THE PEOPLE AND GOVERNMENT AS WELL?!”