Advertisers

Advertisers

NICE TO SEE TOM C!

0 5

Advertisers

MATAGUMPAY na nairaos ang grandioso at world class na opening ceremony ng FIVB Men’s World Championship sa Mall of Asia Arena ( Sept.12,2025) sa Pasay City.

Ang naturang hosting ng makasaysayang kaganapan na inorganisa ng Philippine National Volleyball Federation sa pamumuno ni Tats Suzara ay naging realidad sa suporta ng pamahalaan,pribado,corporate maging lider ng mga NSA ng iba’t ibang sports sa bansa ay nakiisa.

Tampok dito ang pagdalo ng Pangulo ng bansa na si BBM at ang pagdagsa ng local fans at mga kinatawan ng higit sa tatlumpung bansa na powerhouse sa larangan ng volleyball at ang unique na seremonya ay nasaksihan ng buong mundo ang husay ng Pilipino.

Ang inyong kakorner ay kumober ng naturang historic opener.

Busy lahat ang mga kumober na press lalo iyong mga bagito na umuusok ang kompyuter sa paghabol ng deadline.

Habang sinasamyo ang aroma ng mainit na kape sa malamig na Media Room ng Arena ay dumating ang isang pinagpipitagang sports leader( NSA) na si Tom Carrasco ng triathlon.

Ikinagalak ng Uppercut ang naiibang aura niya habang nagkakape kami dahil may katagalan din siyang nagpahinga sa eksena.

Balik aksiyon na si Tom C ,back to sports events at balik- sigla ang kaibigan ng media.

Dahil ss tawag ng patriotismo ay kabilang si Tom C sa may vital role sa 2 linggong tunggalian ng mga pinakamagagaling sa mundo kabilang na ang Alas Pilipinas.

Bagama’t di ito triathlon,buong puso at makabayan itong sumuporta kay Tats para sa dangal ng Pilipinas.

Ang dating Association of Road Race Organizers,TRAP ( president then secgen), ITU at ATC official at instrumental sa pagkalagay sa world map ng Ph triathlon na si Carrasco ay tunay namang kikig na uli sa pag-organisa at pagtimon sa mga aksyon partikular sa triathlon at duathlon na kanyang minahal sa mahabang panahon mula sa kanyang balwarteng Ayala-Alabang noon,out of town tilts,pagtuklas pa ng Pinoy triathletes na nakapaghahandog ng karangalan sa bansa mula sa international na kumpetisyon na saksi ang inyong kakorner na nag- kronikel na kanyang mga lokal at international na kaganapan hanggang ngayon at sa hinaharap ay tunay siyang sasaluduhan…ABANGAN!

Lowcut: Tampok sa markadong ambag ni Tom C sa Ph sport ay nang kilalanin siyang mataas na opisyal na kinatawan ng Philippine Triathlon noong Sydney Olympics 2000 sa Australia at ang pagiging Chef de Mission niya ng Team Philippines noong 2002 Busan Asian Games sa Korea na parehong kinober ng Uppercut.Doon nasungkit ni Mikey Cojuangco ang last ditch gold medal ng Pilipinas sa equestrian na pinamumunuan naman ni Cong. Peping Cojuangco.Doon din nabansag ang duo na PEePING TOM!