Advertisers

Advertisers

Eala balik sa Pilipinas, magte-training sa Manila Polo Club

0 10

Advertisers

PUSPUSAN ang insayo ni Alexandra Eala sa Manila Polo Club courts sa Makati City para paghandaan ang 2025 Jingshan Tennis Open sa China.

Umakyat sa world No.57 sa huling Women’s Tennis Association rankings nakaraang Lunes, Eala ang top-seeded player sa first edition ng tournament,ang WTA 125 level event.

Ang 20-year-old Eala puntirya ang kanyang pangalawang korona matapos makamit ang kanyang maiden 125 trophy sa Guadalajara Open sa nakalipas na alawang Linggo.

Sa kabuuang premyong $115,000 na nakalaan, sisikapin ni Eala na makuha ang $22,730 na pangunahing premyo na nakataya para sa magwagi sa women’s singles event na nakatakda mula Setyembre 22 hanggang 28.

Nakaraang Hunyo, Eala ay runner-up sa WTA 250 Eastbourne Open sa Great Britain.

Pagakatapos noon,ang ranking ni Eala ay umangat sa five spots mula No.61 matapos umabante sa quarterfinals ng WTA 250 São Paulo Open sa Brazil,kung saan natalo siya sa Indonesia’s Janice Tjen.

Australian Talia Gibson ang second seeded player, habang si Tamara Korpatsch ng Germany ang No.3.

Maaaring sumali si Eala sa China Open, na isang WTA 1000 event sa Beijing. Ngunit pinili niyang lumahok sa WTA level 125 na kaganapan sa lalawigan ng Hubei.