Advertisers

Advertisers

P5-B EROPLANO, 5 KOPTER NI ZALDY CO PINAPA-FREEZE; ILANG PERSONALIDAD PINAGPAPALIWANAG SA ‘LAVISH LIFESTYLE’

0 15

Advertisers

MAGPAPADALA ng liham si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon sa Anti-Money Laundering Council (AMLC), Department of Justice (DOJ) at Independent Commission for Infrastructure (ICI) upang humiling ng freeze order sa mga air assets ni Rep. Zaldy Co na tinatayang nagkakahalaga ng halos Php5-Billion, batay sa tala ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Ayon kay Dizon, makatutulong ang kanilang hakbang sa isinasagawang imbestigasyon at nasa mga ahensiya at ICI na kung ano ang magiging desisyon sa mga ari-arian ng kongresista.

Kabilang sa mga pagmamay-ari ni Co ang isang Cessna 414A Chancellor na nagkakahalaga ng mahigit Php40-Million at nakarehistro sa Misibis Aviation and Development Corp. at Hi-Tone Construction Development Corp., ayon yan sa CAAP.



Kasama rin sa liham ang rekomendasyon na i-freeze ang mga motor vehicles na nakarehistro sa ilalim ng 20 na mga kawani ng DPWH at 6 na kontratista na sangkot umano sa maanomalyang flood-control projects. Batay sa datos ng Land Transportation Office (LTO), umaabot sa mahigit Php474M ang kabuuang halaga ng mga sasakyan. Ang mga Discaya ang may pinakamarami at may malaking halaga ng mga sasakyan.

Hakbang ito ng departamento upang hindi na mabili at mabenta ang mga naturang sasakyan.



Nagbabala rin si Dizon sa mga magtatangkang bibili ng mga ito.

10 DPWH execs iimbestigahan sa lavish lifestyle, substandard projects



PINANGALANAN ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang opisyal ng ahensya na iniulat umanong may “lavish lifestyle” at sangkot sa mga substandard na proyekto.

Ayon kay Dizon nitong Miyerkules, paunang listahan pa lamang ito na binubuo ng mga regional director (RD) at district engineer (DE).

Inisyuhan ng show cause order ang mga sumusunod na opisyal:
1. RD Gerard Opulencia, NCR – marangyang pamumuhay
2. RD Danilo Villa, Rehiyon VII – marangyang pamumuhay
3. Sinabi ni Dir. Gerald Pacanan, dating RD ng IV-B – substandard projects
4. RD Khadaffy Tanggol, CAR – hindi nakipagtulungan sa kasalukuyang imbestigasyon
5. Sinabi ni Atty. Brando Raya, ROWALD Chief, Rehiyon VII – marangyang pamumuhay
6. DE Isabelo Baleros, dating DE ng Las Piñas-Muntinlupa DEO – substandard projects
7. DE Almer Miranda, Pampanga 1st DEO – substandard projects
8. DE Gil B. Lorenzo, La Union DEO – substandard na proyekto
9. DE Arturo L. Gonzales Jr., Quezon City 1st DEO – substandard na proyekto
10. DE Johnny L. Protesta Jr., Quezon City 2nd DEO – substandard na proyekto