Advertisers
MALINAW na ang lahat. Buong linaw. Sa umpisa pa lang, magkakampi si Misfit Sara at Tricky Tsis. Nagtutulungan. Tinulungan ni Tricky Tsis si Misfit Sara na huwag matuloy ang kanyang impeachment trial at hindi nabuo ang Senado bilang hukuman na lilitis kay Misfit Sara. Lahat ng panlalansi at panloloko ay ginawa ni Tricky Tsis upang ilusot ang Misfit.
Isang malaking sabwatan ito ng dalawang tiwaling lingkod bayan. Sila noon ang pangalawa at pangatlong pinakamataas na lider pulitikal ng bansa, ngunit wala silang pagpapahalaga sa mandando ng bayan sa kanila. Noong Lunes, luminaw ang sabwatan ng dumalo at narinig ni Misfit Sara kung paano nilait ni Tricky Tsis ang kanilang kalaban na si dating Ispiker martin Romualdez sa isang privilege speech.
Mintis ang privilege speech ni Tricky Tsis. Hindi kumita. Hindi pinansin. Supot ang dating. Hindi kasi kapani-paniwala ang kanyang sinabi. Hindi papayag ang civil society, Simbahan at ang Kaliwa na nakipagsabwatan kay Romualdez upang ibagsak at mawala sa poder ni Misfit Sara. Nais lang ng huli na managot si Misfit.
Wala na sa poder si Tricky Tsis. Hindi na siya ang pangulo ng Senado. Pinalitan na siya ni Tito Sotto sa isang biglaang pag-agaw sa kapangyarihan. Wala siyang nagawa ng ideklarang bakante ang upuan ng Senate President. Mabilis at kahit siya at walang nagawa. Biglang naging iba ang ihip na hangin at direksyon ng Senado. Hindi na niya malansi ang mga kasamang senador.
Bistado si Tricky Tsis. Alam na ang kanyang mga baraha. Hindi na niya naitatago ang kanyang sabwatan kay Misfit Sara. Dadalhin niya ito sa 2028. Hindi malayo na maging pulitikong laos si Tricky Tsis. Mahihirapan manalo dahil bistado siya na isang mandarambong sa pondo ng bayan. Pagbabayaran niya ito.
***
ISA sa mga senador na basang-basa ang papel si Rodente. Bagong senador si Rodente at wala pa siyang isang taon sa poder ngunit kinamumuhian siya. Hindi alam ni Rodente ang salitang “delikadesa.” Nabisto na independent director ng insurance firm ng mga Discaya ang kanyang asawa na si Edna. Hindi niya naiintindihan ang konsepto ng “conflict of interest.”
Kaya pala ipinilit ni Rodente na isailalim ang mag-asawang Discaya sa Witness Protection Program (WPP). Nais ni Rodente na huwag mapanagot ang mga Discaya sa kanilang krimen sa sambayanan. Kaya pala nais niya na bigyan ng proteksyon ang mag-aswang Discaya. Sagad sa kawalanghiyaan si Rodente.
Hindi dito nagtatapos ang kawalanghiyaan ni Rodente. Sa huling public hearing ng Senate Blue Ribbon Committee, iniharap ni Rodente ang “surprise witness” na dating sundalo ng Philippine Marines na nagsilbi bilang security ni Kin. Zaldy Co ng Ako Bicol Party List. Binasa ni Orly Guteza ang kanyang sinumpaang salaysay sa public hearing.
Hindi kapani-paniwala ang salaysay niya na dinala niya ang mga maleta ng P480 milyon kay Co at Romualdez. Bistado siya na nagsisinungaling. Walang nangyari sa salaysay ng lumutang ang isang abogado na nagsabing niya niya nilagdaan ang kanyang sinumpaang salaysay. Hindi totoo na siya ang notaryo na lumagda sa kanyang affidavit. Ayaw na humarap ni Guteza sa komite dahil “may banta na sa buhay niya,” ayon kay Rodente. Niloloko tayo ni Rodente.
Bistado si Rodente sa tangkang lutuin ang public hearing. Hindi umubra na manipulahin niya ang Blue Ribbon Committee. Mabahong-mabaho ang pangalan ni Rodente sa Senado. Labis na walang bilib si Ping Lacson sa kanya at pinasaringan siya na maingay at mayabang si Rodente kahit wala namang ibubuga.
May sinabi si Ping Lacson, ang senador na pumalit kay Rodente bilang hepe ng Senate Blue Ribbon Committee: “The loudest one in the room is the weakest. He is overly vocal, boastful, or aggressive so he can create an image of strengthen through noise.”
Maraming nangyari sa nakalipas na dalawang araw. Hiningi i-disbar ni Tricky Tsis ang kritiko na abogado na totoong mas magaling sa kanya na ilang ibayo. Bumubula ang bibig ng Misfit Sara, Polong, at Baste Duterte at kahit ang uto-utong si Robin ng malaman nila na bumisita sa piitan ng ICC si Sonny Trillanes. Nawalan umano ng malay-tao ang mamamatay tao na si Gongdi sa kulungan. Depression lang iyon.
Hiningi ng mahigit 50 civil society organization na sansalain si Nicholas Kaufman, manananggol ni Gongdi, dahil sa bintang na nagbibigay siya ng fake news. Inililigaw niya ang sambayanang Filipino sa mga fake news na ipinain nya. Hindi na daw matatag ang gobyerno ni BBM, ayon kay Misfit Sara. Umuuga, unstable, aniya. Siya ang unstable dahil may saltik siya sa utak, ganti ng kanyang mga kritiko. Tinawanan lang siya, sa maikli.
Hininging alisin ng Philippine Army si Kiko Barzaga (isa pang may sayad ito) sa listahan ng mga reserve soldier dahil sa paghingi sa mga sundalo na umalsa laban sa gobyerno. Akala namin mataas na opisyal si Barza na pinaniniwalaan na maluwag ang turnilyo sa ulo. Hindi pala. Private lang siya. Pinakabababa. Hindi siya reserbadong opisyal.