Advertisers
Ang kutsabahan at depensahan ng mga bumubuo sa tila GOVERNMENT PROJECT SYNDICATE sa halos lahat ng GOVERNMENT AGENCIES na nagreresulta sa matinding paghihirap ng mamamayan lalo na kung sasapit ang matinding pagbuhos ng ulan at mga bagyo na naglalantad sa mga depektibong proyekto.., e tila kinakailangang magkaroon na ng parusang katatakutan ng lahat na mga nanunungkulan sa ating gobyerno.
Isa lang ang naiisip ko na sosolusyon sa matinding problema na magpapatino sa sistema ng ating gobyerno.., ibalik ang DEATH PENALTY pero kailangang ikategorya ang parusa na tutuon lamang sa partikular na sektor.., na ang parusa ay sesentro sa mga ELECTED at GOVERNMENT OFFICIALS.., yun nga lang ay nalulukuban ako ng malaking pagdududa sa hanay ng CONGRESS at SENATE kung isusulong ba nila ang ganitong batas dahil halos mayorya sa kanila ay napalalautan at napatatangay sa FLOW OF CORRUPTIONS.
Sa kabatiran ng lahat, ang DEATH PENALTY ay napairal sa ating bansa simula pa noong nasakop ng SPANISH GOVERNMENT ang ating bansa sa pamamagitan ng SPANISH PENAL CODE OF 1848 na noong 1987 ay inalis ang DEATH PENALTY sa pamamagitan ng 1987 CONSTITUTION at naitala na ang ating bansa ang unang ASIAN COUNTRY na nag-alis ng parusang kamatayan.., subalit muling ibinalik ang naturang parusa noong termino ni FORMER PRESIDENT FIDEL RAMOS at noong termino naman ni FORMER PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO ay nilagdaan nito ang REPUBLIC ACT NO. 9346 na nag-alis ng parusang kamatayan sa lahat ng uri ng krimen.., na noong 2007 ay nilagdaan at ni-ratify ng ating gobyerno ang SECOND OPTIONAL PROTOCOL TO THE INTERNATIONAL COVENANT ON CIVIL AND POLITICAL RIGHTS na tuluyang nagpairal sa ABSOLUTE ABOLITION ng DEATH PENALTY sa ating bansa.
Gayunman, sa kasalukuyan nating panahon ay nadiskubre ang matagal nang pambu-BUDOL ng mga TIWALI at CORRUPT GOVERNMENT OFFICIALS sa pakikipagkutsaba ng ilang ELECTED GOVERNMENT OFFICIALS sa pangungulimbat ng bilyon-bilyong pondo ng bayan na ang resulta ay mga depektibong proyekto at GHOST PROJECTS lalo na sa FLOOD CONTROL PROJECTS.
Nitong September 19, 2025 ay hinatulan ng korte ng CHINA ang dating AGRICULTURAL MINISTER TANG RENJIAN ng parusang kamatayan sa salang pagtanggap nito ng mga suhol na umaabot sa 268 million yuan o katumbas ng $38milyon sa pagitan ng taong 2007 hanggang 2024 batay sa tala ng PEOPLES COURT OF CHANGCHUN sa NORTHEAST JILIN PROVINCE na ang parusang ito ay may palugit na 2-taon bago igawad.., dahil kung nagpakita ng pagbabagong buhay ang nahatulan ay maaaring maibaba sa mas magaan na parusa. Ito ang pinaka-latest na paggawad ng parusang kamatayan sa mga GOVERNMENT OFFICIAL tulad nitong si RENJIAN na hinatulan sa administrasyon ni PRESIDENT XI JINPING para sa ANTI-GRAFT CAMPAIGN.., at ang bansang CHINA ang tinaguriang WORLD’S MOST ACTIVE USER OF DEATH PENALTY.., ah, kaya pala ang mga TSINONG UTAK-KRIMINAL ay umaalis sa kanilang bansa para sa ibang lugar sila makapaghasik ng krimen tulad sa ILLEGAL DRUG TRADE at SCAMMING na nadidiskubre dito sa ating bansa.
Nagkaroon man ng DEATH PENALTY sa ating bansa ay tila tanging ang mahihirap na personalidad lamang ang naisalang sa ELECTRIC CHAIR at sa LETHAL INJECTION. Ang huling naisalang sa DEATH PENALTY sa pamamagitan ng LETHAL INJECTION sa ating bansa noong February 5, 1999 ay si LEO ECHAGARAY sa salang RAPE.., na kung maibabalik ang DEATH PENALTY sa panahon natin ngayon ay dapat ipataw ang naturang parusa sa hanay ng mga ELECTED at GOVERNMENT OFFICIALS para matigil ang talamak na FLOODING CORRUPTIONS mula sa GOVERNMENT PROJECT FUNDS.
Mga ka-ARYA.., ang mga ELECTED at GOVERNMENT OFFICIALS ay dapat magsilbing modelo ng mamamayan para sa TAPAT na pagseserbisyo sa sambayanan upang maisulong ang progreso ng buong bansa at bilang pagtiyak na ang lahat ng ELECTED at GOVERNMENT OFFICIALS ay maging SINSERO ang kanilang panunungkulan ay napapanahon nang maglagay ng giya para matakot sa paggawa ng KATIWALIAN ang mga ito.., sa paraang ipairal ang DEATH PENALTY INTENDED FOR ELECTED AND GOVERNMENT OFFICIALS!
Ito ang malaking hamon ng mamamayan sa hanay ng mga MAMBABATAS na kung tunay ang adhikain ng CONGRESSMEN at SENATORS para mapaunlad ang ekonomiya ng bansa at kabuhayan ng mamamayan ay kailangang repasuhin ang DEATH PENALTY na tanging mga dati at kasalukuyang ELECTED OFFICIALS o yaong mga POLITICIAN gayundin sa mga naging at kasalukuyang GOVERNMENT OFFICIALS & EMPLOYEES ang masaklaw ng DEATH PENALTY.., para magkaroon ng takot sa paggawa ng KATIWALIAN at KURAPSIYON sa pagseserbisyo sa ating mamamayan!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.