Advertisers
Diretsahang inamin ni Alden Richards ang mga hirap na dinaanan niya sa kanyang kauna-unahang trabaho bilang direktor para sa pelikulang “Out of Order.”
Ayon sa Asia’s Multimedia Star, pinakamalaking hamon para sa kanya ang makuha ang tiwala ng kanyang mga artista.
“Since this is my debut as a director, binuhat nila ako lahat. Nagbuhatan kami lahat dito sa pelikula,” ani Alden sa isang panayam.
Kwento pa niya, ilang ulit niyang binasa ang script para masigurong handa siya. “I read the script five times. ‘Di ako makatulog sa gabi. Everyone looks to you in terms of command, I told myself, ‘Parang dapat hindi mo masyadong ginagawang mental lahat, just go with it.’”
Bilang paghahanda, nag-immerse sila sa Quezon City Hall of Justice para saksihan mismo ang mga nagaganap na paglilitis. “Nag-immerse kami. I went to the QC Hall of Justice to sit down, actually see litigations happening every day for one week, and then we got lawyers na writer, lawyers by profession pero nagsusulat,” ani Alden.
Lumabas din ang pagiging pihikan niya sa paggawa ng pelikula. “Super. Ultimo sa smallest detail ng art, ng production design, hindi naka-tilt nang maayos ‘yung tasa, may blind statue na may hawak na weighing scale, hindi pantay ‘yung weighing scale,” aniya.
Hiling niya, maramdaman ng mga manonood ang lalim ng mensahe ng pelikula. “May favorite quote ako lately. Justice is not blind eh, but it’s being blinded by people in power, by whoever that can blind justice,” dagdag niya.
Bukod sa pagiging direktor, bida rin si Alden sa pelikula kasama sina Nonie Buencamino at Heaven Peralejo.