Advertisers

Advertisers

Claudine at Marjorie, nahilot na ang gusot

0 4

Advertisers

Ni Archie Liao

PINAG-uusapan ang viral photos kung saan makikitang magkasama ang magkapatid na Claudine at Marjorie Barretto.

For the first time in a long while, muling sighted na may interaksyon ang dalawa.

Nangyari ito sa wake mismo ng brother nilang si Mito na sumakabilang buhay na.

Sa huling panayam kasi noon kay Clau sa isang vlog, inamin niya na hindi pa rin sila nag-uusap ng kanyang sister na si Marjs.

Very vocal din siya sa pagsasabi na masama ang loob niya dahil naitsapwera siya at hindi imbitado sa kasal ni Claudia noon.

Si Claudia kasi ang pinakaboritong pamangkin ni Claudine sa mga anak ni Marjorie.

Naniniwala kasi ang aktres na may kinalaman si Marjorie kaya di siya imbitado sa nasabing okasyon.

Sa development na ito, marami ang nagsabing bati na ang magkapatid at naayos na ang gusot sa pagitan nila.

Ito ang ilang hirit ng kibitzers.
“Glad that they learned to bury the hatchet.”
“Let’s pray for healing in their families.”
“It’s a good sign na bati na sila.”
“Iyong reconciliation nila, nangyari pa sa wake ng kanilang brother.”
“Sana wala nang untoward incident na nangyari tulad noong away nila sa wake ng father nila.”
“Maybe it’s about time para i-redeem nila ang names nila na hindi pamilya ng war freak.”

Kung may katotohanan nga na okey na sina Claudine at Marjorie, kumusta naman kaya sina Gretchen at Marjorie.

Just asking.