Advertisers

Advertisers

Paolo, mas mapangahas sa film version ng “Walong Libong Piso”

0 52

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

First time na sumabak ni Paolo Gumabao sa teatro via Dante Balboa’s sexually charged play na “Walong Libong Piso.”

Aniya, kakaiba raw ang experience niya sa naturang run ng dula na mula sa malikhaing panulat at direksyon ng former sexy actor at educated hunk.

“It’s an answered prayer for me. Matagal ko nang hinihiling na sana na makapagteatro ako na napagbigyan naman dito sa “Walong Libong Piso,” ani Paolo.

Happy din siya sa naging reception ng kontrobersyal na play kung saan walang takot siyang naghubad sa entablado.

“I was actually flattered sa feedback na natanggap namin. It really inspired me to be better in my craft as actor not only on TV, movies but also sa teatro,” bulalas niya.

Katunayan, isang malaking karangalan daw para sa kanya ang makasama bilang awardee sa Philippine Golden Eagle awards at 8th Empowered Men and Women of The Year dahil sa pagganap niya sa nabanggit na play.

“Nakakataba ng puso. It made me love my craft more,”pakli niya.

Samantala, proud naman siya na ipalalabas na ang film version ng “Walong Libong Piso.”

Hirit pa niya, mas mapangahas daw siya sa nasabing bersyon.

“Siyempre, mas daring. May mga eksena kaming ginawa para bumagay sa big screen. Basta iba siya,” deklara niya.

Masaya naman siya na magkakaroon ng rerun ang kanilang play pagkatapos na ipalabas ang film version.

“I’m happy for the clamor. Actually, mas ginanahan ako dahil may repeat siya,” pagbabahagi niya.

Sa “Walong Libong Piso: the stage play” pinag-usapan ang paghuhubad ng mga bida na hinihingi naman ng kuwento sa artistikong pamamaraan.

Kasama ni Paolo na nagpatalbugan dito hindi lang sa pagbibilad ng kanilang katawan kundi sa aktingan sina Drei Arias, Juan Paolo Calma at Jhon Mark Marcia.

Dahil maraming nabitin ,pinutakti ng request ng rerun ang Bentria Productions kaya muli itong ipalalabas sa entablado.

Kaya naman nagbabalik ito sa Teatrino sa Greenhills sa Nobyembre 29, Disyembre 5, 12 at 14 sa ganap na alas 6 at alas 9 ng gabi.

Ang twist bago ipalabas ang re-run ay mapapanood ang film version nito simula sa Oktubre 22 sa mga piling sinehan.

Si Paolo ang pinalad na magbida sa theatrical release nito.

Natutuwa naman ang produ ng pelikula na si Engr. Benjie Austria na sa kabila ng maselang subject matter at nudity sa pelikula ay nakakuha ito ng R-16 rating sa MTRCB kaya showing ito maging sa SM Malls nationwide.

Sa re-run naman ay idinagdag ang bagong hunk actor na si Jorge Guda na miyembro ng sumisikat na all male group na “Magic Voyz” na personal choice ng producer.

Si Engr. Bentria ng Bentria Productions ang siyang nag-produce ng award-winning film na “Broken Blooms” ni Louie Ignacio, at critically-acclaimed films na “Huwag Mo ‘Kong Iwan” at “Fatherland” ni Joel Lamangan.

Abala rin ang kanyang production outfit sa pagproprodyus ng concert tulad ng “Abba Reunion Tribute Show” sa Davao ngayong Oktubre. Nakatakda rin siyang sumubok sa paggawa ng vertical series sa malapit na hinaharap.

In the can na rin ang pelikulang “Graduation Day” na pinagbibidahan nina Jeric Gonzales at Elizabeth Oropesa na may target playdate na sa Marso sa susunod na taon.