Advertisers

Advertisers

Meryll Soriano aminadong ‘nepo baby’ pero kalabit-penge

0 6

Advertisers

GAME na si Meryll Soriano na maging direktor ng isang short film at isang full-length film sa 2026 na prodyus ng CreaZion Studios.

Ayon kay Meryll, “We’re also looking for other producers na magko-co-prod. ”

Ngunit nang tanungin kung posible bang co-producer ang kanyang amang si Willie Revillame, natatawang sagot ng aktres, “Oo nga, itanong mo nga!”

Dagdag pa niya, “Magkaiba kasi kami ng field. Pero bakit naman hindi? Worth a try.”

Kilala si Meryll sa pagiging independent at hindi pala-hingi sa kanyang ama.

“Hindi ako ‘kalabit-penge,’” ani niya. “Kung tutulong siya, dapat buo na yung project, may script at logistics.”

Ang kanyang short film ay tatalakay sa postpartum psychosis, habang ang full-length film naman ay nakatuon sa tema ng grief at pagkawala.

“It’s something close to my heart,” aniya pa ni Meryll.

Hiningan ito ng reaksyon ss kanyang pagiging “nepo baby. ”

“Ako ang nepo baby na walang pera! Pero proud ako na anak ako ni Willie at pamangkin ni Maricel.”