Advertisers

Advertisers

‘SBDP’ LANG NG NTF-ELCAC ANG ‘CORRUPTION FREE’

0 7,044

Advertisers

AYAW pa ring tumigil sa pag-iingay ang mga prenteng organisasyon ng CPP-NPA-NDF upang maalisan ng pondo ang ‘Special Barangay Development Program’ (SBDP) ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Gamit ang isyu ng talamak na korapsyon sa gobyerno, gustong ipilit ng mga grupong ito, katulad ng Kabataan Partylist, na ‘pork barrel’ ng mga opisyal ng task force ang pondo ng SBDP kaya dapat lang itong tanggalin.

‘Yun nga lang, hindi “tumatalab” at hindi “dumidikit” ang bintang na ito. Sa totoo lang kasi, ang SBDP lang ng NTF-ELCAC ang ‘corruption free’ pagdating sa implementasyon. ‘Wa epek kasi dito ang “impluwensiya” ng mga pulitiko at mismong mga ‘beneficiaries’ ang aktwal na nagbabantaty sa mga proyekto.

At ang mga proyektong ito ang isa sa mga dahilan kung bakit wala nang “mabilog” ang mga ‘SYP’ (Sandatahang Yunit Propaganda) ng CPP-NPA sa mga liblib at malalayong lugar ng ating bansa. Dahil sa SBDP hindi na naniniwala ang mga dating “balwarte” ng mga terorista na walang pakialam sa kanila ang gobyerno.

At marahil din, dapat magtanong ang mga kawawang estudyante at mga “tibak” na biktima ng mga panlilinlang ng CPP-NPA-NDF, kung ano naman ang ginagawa ng kanilang mga “bosing” sa Kongreso at ngayon ay kaalyado ng gobyerno? Hindi ba nila naisip na “inaabuso” lang ng kanilang mga amo ang kanilang ideyalismo?

At kung talagang “anti-imperyalista” sila, bakit sa mga patawag din mga ‘foreign embassies’ ‘andun ang kanilang mga kasama at bakit napopondohan ng mga dayuhan ang kanilang mga organisasyon? “Ibagsak ang Imperyalismo” ang sigaw pero kuwidaw, “nakasahod” naman ang mga kamay, hihihi!

Para sa 2026, higit P8 bilyon—napakaliit na halaga kumpara sa mga nadambong ng mga korap—ang hinihingi ng NTF-ELCAC para sa SBDP upang makatulong sa may 800 mahihirap na komunidad sa buong bansa.

Sa harap ng mga nabubulgar na garapalang pagnanakaw sa pondo ng ilang mga mambabatas, harinawang tubuan naman na konsensiya ang Kongreso at huwag na itong pakialaman pa.

Sabi nga ni Pang. BBM: “Mahiya naman kayo!”

Reply