Advertisers
Tiniyak ng Malakanyang na handang-handa ang pamahalaan sa paggunita ng Undas ngayong taon.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, mataas ang antas ng kahandaan ng mga ahensya ng gobyerno upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Aniya, bago bumiyahe si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungong South Korea para sa APEC Summit, ipinag-utos nito ang maigting na pagbabantay sa mga sementeryo, transport terminals, at mga lugar na inaasahang dadagsain ng tao.
Siniguro rin ni Castro na nakaantabay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), at Department of Trade and Industry (DTI) para sa anumang pangangailangan ng mga mamamayan.
Kabilang sa mga nakahandang serbisyo ang relief operations, medical assistance, at price monitoring sa mga pamilihan. (Gilbert Perdez)