Advertisers

Advertisers

Higit 40 sangkot sa flood control scandal makukulong ngayong Nobyembre – Sec. Dizon

0 21

Advertisers

SINABI ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na mahigit 40 katao na sangkot sa anomalya sa flood control projects sa Bulacan at Oriental Mindoro ang makukulong ngayong Nob-yembre.

“Hindi na maghihintay ng Disyembre. Ngayon lang November ay may makukulong na,” ani Dizon.

Kabilang sa Bulacan cases ang 26 katao, kabilang ang mga Discaya at si Henry Alcantara; habang 15 sa Mindoro, kabilang si dating Congressman Zaldy Co.



Itinuturing na non-bailable ang mga kaso, kaya agad na mauuwi sa pagkakakulong kung may hatol.

Samantala, inuuna ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang 80 sa 421 flood control projects para sa masusing imbestigasyon, gamit ang bid documents at pagsuri sa aktwal na implementasyon, katuwang ang CIDG at NBI.(Mark obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">