Advertisers

Advertisers

NAWALANG PURPOSE

0 10

Advertisers

NOONG una, napaka-ganda ng pagkakaimbento ng social media. Nagbibigay ito ng kaalaman, at nai-connect tayo sa isa’t isa. Ang mga dating kaibigan, kakilala ay nagkita-kitang muli, kahit na sabihin nating virtual lamang.

Kalaunan, tila di na maganda ang ibinubunga. Ngayon kasi kapag nagpunta ka sa social media, parang sinisilaban ang iyong damdamin.

May mga post na sinusubukan ka o’ kaya naman ay pinapagalit, ang iba ay mapipilitan kang ilahad ang anumang nasa iyong kalooban.

Inter-actions? Maaaring ganun ang hangarin. Pero sa ganang akin, napipihit na ng social media ang mga isyu, ang mga kaganapan o’ balita. At kung minsan naiiba nito ang kahulugan ng isang topic o’ isyu.

At ang dati nating pinaniniwalaang malaki ang maitutulong sa ating mga buhay, social media pala ang sisira at nakakagulo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Napipilit tayong maghayag ng ating mga damdamin, na sa kabila nito ay di natin nalalaman tayo pala ay parang
nakukumpasan na. At ang ating mga emosyon ay nailalahad natin at nagiging bahai na tayo ng diskurso.

Hanggang sa aani rin ng mga puna at minsan ay umaani na mga kaaway, hanggang sa ikabigla na lamang natin ang sitwasyong napasukan dahil sa social media.

Nakakabahala ito mga kaibigan. Nagagawa tayong paglaruan ng social media. Ang mga nasa likod nito ay dapat nating busisiin, o kaya naman ay mag-ingat tayo sa paggamit ng social media.

Sa iba kasi, naging hanap-buhay pa ito. Ngunit di nila nalalaman na nakakasira na pala sila ng buhay ng may buhay.