Advertisers

Advertisers

CRISIS COMMITTEE KAY BBM: ‘HUWAG MAAWA’

0 34

Advertisers

LINGID sa kaalaman ng marami, may nakatagong Crisis Committee si BBM. Hindi ito pormal na organisasyon sa Malacanang. Walang executive order na bumuo dito pero kumikilos at nagbibigay ito ng mga payo kay BBM kung ano ang gagawin.

Ang taimtim na payo ng Crisis Committee kay BBM: Huwag maawa sa kanyang mga kalaban. Pinangangatawanan ito ni BBM. Ito ang dahilan kung bakit tuloy tuloy ang proseso na habulin ang mga opisyales ng gobyerno – senadores, kongresista, opisyales ng DPWH, mga kontratista na pawang nasa likod ng malawakang korapsyon sa gobyerno.

Hindi sila tatantanan. Noong Linggo ng gabi, nagpahayag si Ombudsman Boying Remulla na bababa ang warrant of arrest sa tatlong senador, dalawang dati, at 20 kongresista, at ilang pangunahing opisyales ng DPWH. Maaaring bumaba ang mga arrest warrant bago sumapit ang ika-15 ng Disyembre. Sa maikli, malamang sa bilangguan magpapasko ang mga maakusahan.

Pinangalanan ni Boying ang tatlong senador: Tricky Tsis Escudero, Jinggoy Estrada, at Joel Villanueva. Kasama rin sina Bong Revilla at Nancy Binay. Nangunguna sa mga kongresista si Zaldy Co na kasalukuyang nasa ibang bansa at malamang hindi muna uuwi iyon.

Hindi na kami bago kay Jinggoy at Bong. Sanay humimas ng rehas ang dalawang dating artista. Hindi lang namin maintindihan kung bakit laging sangkot sa bawat malaking katiwalian ang dalawang mandarambong. Sadyang wala silang kadala-dala.

May mga ilang kababayan ang nagpahayag ng pangamba na dahil inihayag ang kanilang mga pangalan, may posibilidad na tumakas at magtatago sila. Hindi maiiwasan iyon. Sa ganang akin, hindi natin iyan problema. Sila ang may problema.

Napakahirap ng tumakas at magtago at maging pugante dito sa bansa, o sa ibayong dagat. Tingnan ninyo ang sitwasyon ni Harry Roque, ang bata ni Gongdi, na nawala, tumakas, at nagtago sa Europa. Kung makikita ang kanyang larawan, nangangalirang si Roque. Turete.

Sa takdang panahon, pauuwiin si Roque upang harapin ang mga sakdal laban sa kanya. Hindi tinanggap ng gobyernong Olandes ang application na bigyan siya ng political asylum sa Olanda. Hanggang ngayon, hindi kumilos ang gobyernong Olandes.

Kahit anong sabihin nila, iba ang buhay sa laya. Kahit tone-tonelada ang salaping ninakaw mula sa kaban ng bayan, hindi sila ganap na masaya dahil nagtatago sila. Hindi nila magagamit ito upang sumaya at maaliw sa buhay. Walang saysay ang kanilang nakaw na yaman.

Labis kaming masaya dahil matitigil na ang pagpapanggap ng mga senador na malinis sila lalo na si Jinggoy at Joel na ginagamit ang salita ng Diyos sa pagkakaila ng kanyang kasalanan sa bayan. Matatauhan si Tricky Tsis sa kanyang pagkampi kay Misfit Sara dahil makikita niya na walang magagawa si Misfit kung makalaboso siya.

Hindi natin batid kung sino ang Crisis Committee ni BBM. Ang alam namin ay palagi siyang nakikipagpulong sa kanila. Palagi niyang kinakausap at kumukunsulta kung ano ang gagawin sa gitna ng krisis na kinakaharap.

Galing sa iba’t ibang disiplina ang mga kasapi ng kanyang Crisis Committee. Gumagawa sila ng iba’t ibang sitwasyon na kung tawagin ay “scenario drawing” sa crisis management at pinag-aaralan ang reaksyon ng bansa kasama ang mga ordinaryong mamamayan.

Hindi namin alam kung mayroon ganyan si Misfit Sara. Ang alam namin ay hindi nag-iisip si Misift. Puno ng galit sa mundo Tipikal Duterte kung magpasya. Padalos-dalos sa desisyon at pagkilos. Hindi sanay sa pambansang pulitika. Pulitika lang sa Davao City ang alam niya.

Paano kung dalhin sa Korte Suprema ang isyu. Karapatan nila iyon pero hindi nila mapipigil ang daluyong na parusahan ang mga likod ng flood control scam. Pinag-aralan na ni BBM iyan at may handa siyang hakbang at solusyon upang harapin ang krsis.

***

MAY batayan na paniwalaan na palihim na kinausap ni Misfit Sara si Zaldy Co at pinangakuan ng una ang huli na hindi siya isasangkot sa anuman asunto sa sandaling bumagsak si BBM bilang pangulo at siya ang humalili. Kinumbinsi ng immunity from suit kahit walang batayan sa batas at katotohanan.

Mabilis na kumagat dahil nais ni Zaldy Co na lumusot sa mga pananagutan sa katiwalian na kinasasakutan niya. Batid ni Misfit Sara ang kahinaan ni Zaldy Co. Alam niya na siya ang itutulak sa bangin at ipapakain sa buwaya sa laganap na katiwalian sa gobyerno lalo na iyong may kaugnayan sa flood control scam.

***

POST ko ito sa social media;

IN Saturday News Forum at Dapo Restaurant in Kyusi, host Ariel Ayala, a veteran radio guy, asked Rep. Leila de Lima of Mamamayang Liberal Party List, the lone guest, if she finds any “justifiable” reason for Bato dela Rosa to seek a TRO before the Supreme for the reported issuance of an ICC arrest warrant against him. Of course, Bato’s situation was something that bordered on the comical side of life. It could not be independently concerned if the ICC has indeed issued an arrest warrant against him.

De Lima premised her answer on that lack of independent confirmation of his ICC arrest warrant. There were quiet smiles among journalists because we all knew that Bato is not in a ridiculous situation, where he was asking the High Court to act on something that was hypothetical. Finally, after laying down the premises, de Lima gave her judgment in a single sentence: “I think it was premature.” That was it. Bato put the cart before the horse. There were no subsequent followup questions.