Advertisers
Advertisers
Advertisers
NANAWAGAN ang Social Security System sa mga miyembro ng House of Representatives na maging objective at huwag nang harangin pa ang napipintong pagtataas ng singil sa kontribusyon.
Ayon kay SSS President at Chief Executive Office Aurora Ignacio, kailangan na balansehin ng mga mambabatas ang epekto kung maantala ang naka-schedule na rate hike ngayong taon.
Tiyak aniyang mahihirapan ang SSS na tustusan ang pagbibigay pensyon at iba pang benepisyo kung hindi itataas ang singil sa kontribusyon ng mga miyembro nito.
Nasa P15 hanggang P100 ang buwanang rate increase ng mga employed members habang nasa P30 hanggang P200 ang itataas na singil sa mga self-employed at voluntary members.
Nasa P80 hanggang P200 naman ang dagdag kontribusyon sa mga overseas Filipino workers.
Tinatayang nasa P41.37 bilyon ang malulugi sa SSS kung hindi maitutuloy ang rate hike.
Sa ilalim ng Republic Act 11199 o Social Security Act of 2018, ipatutupad ang biennial 1% contribution rate hanggang 2025.