Catriona Gray kabilang sa boses sa Trillion Peso March: Pilipinas, I will always fight for you and for our people
Advertisers
Ni Anne Venancio
Kabilang si 2018 Miss Universe Catriona Gray sa boses sa Trillion Peso March nung Nobyembre 30 sa People Power Monument.
Aniya, “Today, we demand action. To Ombudsman: file the cases now. To the senators: suspend the senators implicated, and to the Congress: pass the Anti-Political Dynasty bill because power should not be inherited. It should be earned in the service of the people.”
Iginiit nito ang kawalan ng pananagutan sa mga public funds na nawawala sa mga ospital, paaralan at komunidad.
Nanawagan ito na itigil na ang kasamaan at katiwalian sa bansa. “Manatiling galit at huwag kalimutan ang nagawa ng mga korap,” aniya pa.
Kasama rin sa rally sina Pokwang, Carmi Martin, Pinky Amador at Maris Racal.
Dagdag naman ni Pokwang, nawa’y makulong ang mga magnanakaw. “Makulong na ang dapat makulong! Nasaan ang malalaking isda?”
Ayon pa kay Catriona, hindi hahayaan ng bagong henerasyon na magpatuloy ang korapsyon. Hinimok ng beauty queen ang publiko na maging mulat at aktibo sa pagbabago. “We are the generation that will not let corruption win. Pilipinas, I will always fight for you and for our people,” diin pa ni Catriona.