Advertisers
Ni Beth Gelena
Tagumpay ang 41st PMPC Star Awards For Movies na ginanap sa ipinagmamalaking Makabagong Theater sa San Juan na kabubukas pa lang nitong kalagitnaan ng taon.
Very warmth ang pagwelcome ni San Juan Mayor Francis Zamora sa mga officers at members ng organisasyon kung saan pinagmamalaki niyang first time umanong nagkaroon ng event para sa entertainment ang kanilang kabubukas na teatro.
Anyway, personal na tinanggap ng Star For All Seasons ang kanyang ika-sampung tropeo bilang Best Actress mula sa PMPC.
Humingi siya na pahintulot sa audience na basahin ang mga pelikula niyang napanalunan noon na talaga namang deserving si Ate Vi bilang Best Actress sa mga pelikulang kanyang nabanggit.
Nanalo ang aktres-pulitiko sa pelikulang Uninvited kung saan nag-tie naman sa kategoryang Best Actor sina Aga Muhlach (Uninvited) at Dennis Trillo (Green Bones).
Present si Dennis ng tanggapin ang kanyang trophy samantalang ‘no show’ si Aga.
First time namang nakilala ang acting prowess ni Sunshine Cruz.
Kahit dekada na rin kasing umaarte ang aktres ay ngayon lang napansin na may lalim din pala siyang umarte.
Ay yun ay pinakita niya sa pelikulang Lola Magdalena.
Si Harvey Bautista naman ang winner sa Best Actor Category.
Si Kaila Estrada bilang New Female Actress sa Unhappy For You.
Kapuna-puna ang kasuotan ni Kaila at ang host na si Gladys Reyes.
Halos magkapareho kasi ang style ng kanilang gown, though pareho silang glamorosong tingnan sa nasabing gown.
Anyway, nag-uwi ng several majors at technical cetgories ang Uninvited.
Such as Movie Ensemble Acting of the Year: Movie Actress of the Year: Movie Actor of the Year; Movie Director of the Year: Movie Cinematographer of the Year at Movie Production Designer of the Year.
Sa lahat ng winners sa nakaraang 41st PMPC Awards For Movies, Congratulations!!
Mabuhay kayong lahat at salamat din sa butihing Mayor ng San Juan sa very accommodating na pagtanggap sa PMPC.
Nagpapasalamat din ang organisasyon sa mga hosts na sina Gladys, Marlo Mortel at sa beauty queen na si Miss Grand International 2024 CJ Oplaza.
Salamat din sa GSD Productions dahil sa napakabilis na facing ng programa dahil hindi kami inabot ng madaling araw.. Hahahaha!!!
***
KIM NAPAGKAMALANG BUNTIS DAHIL SA SUOT
May reels post na kuha ni Kim Chiu kung saan naka-green gown siya para sa isang show.
Sa kanyang kasuotan ay Kapansin-pansin ang kanyang tummy na medyo malaki.
Kaya ang tanong ng netizens, “parang Malaki tyan kim”
Sagot naman ng isang faney, “d ba sinabi may announcement and KIMPAU, SO LET US WAIT AND SEE, pero ang ganda ganda ni KIM NGAYON, ANYWAY CONFIRMED NA NG ‘KIMPAU ADMIN.’ TAKEN NA NILA ANG ISA’T ISA, THERE IS ALREADY STRING ATTACHED TO THEM , SO NO PROBLEM, CHURCH WEDDING THE SOONEST ,,DEC NA MAGANTAY TAYO”
Heto pa ang isang tagapagtanggol ng chinita princess, “Pusunin talaga si Kim tas yong tila ng damit niya kaya kitang kita ang puson, siguro pag nagbuntis siya malaki tiyan kahit payat siya kasi pusunin, ayan Pau panindigan mo na si Kim buntis na daw kita na baby bump niya”
“umamin mona sila bago mgpakasal sana sila tlga grv bagay sila”
“Ang problema ni Kimmy ang tyan nya, kasi kapag kumain sya laki daw talaga ang tyan nya, kaya tuwing umaga nag exercise sya para hindi maging permanent. sinabi na nya yan. at iba c Kimmy hindi nya tinatago kasi hindi sya plastic na tao yung iba hino hold nila ang tyan para hindi halata. piro c Kimmy kasi wala namang ka arte arte yan. baka yung isip nyu na buntis sya hindi po. kasi ang promise ni Kimmy sa Lola nya na kasal muna bago yang isang bagay at sinosunod talaga ni Kimmy ang ka gustohan ng late Lola nya. kung tunay kayung Kimmers fan alam nyu na very loyal c Kimmy.”
“Buntis ats c Kim.”
“Are you pregnant ate kimmy?”
Naku, Kimmy kelangan mong sagutin ang tanong agad-agad.. Charrr.
***
BARBIE IWAS SA TANONG TUNGKOL KAY JAMESON
May nagsasabing ang love life status ngayon ni Barbie Forteza ay single umano.
Kaya ang tanong ng netizens, “Anong Nangyari Kay Jameson Blake?”
Sa nakalipas kasing mga buwan, sina Barbie at Jameson ay naging laman ng buzz online dahil sa kanilang komportableng laging magkasama
Nakita silang sabay na tumatakbo na kapag magkasama sa ilang pagkakataon ay laging magkahawak-kamay.
Pero nilinaw naman ito ng aktor sa isang panayam.
Aniya, “We’re just friends. It’s too early pa. I enjoy my time with her. She’s really nice and very professional din.”
Nag-viral din noon nang makilala ng aktres ang pamilya ng aktor, kung saan nag-iwan daw ng magandang impression sa pamilya ni Jameson.
“She joined me twice I would say sa run dito sa Angeles. She also got to meet my relatives din. They found her really nice. They found her very outgoing, just being herself. That’s what they appreciate about her,” pakli ng aktor.
Kamakailan naman sa isang event kung saan naroroon ang Kapuso aktres ay natanong siya sa kanilang status.
Sa panayam, tila umiiwas siyang sagutin ang tanong.
Wika lang niya, “I am single and very happy. Always happy.”
Dagdag pa niya, “Grabe naman! Naku, huwag na nating pag-usapan. Basta I am single and very happy.”
Ayon sa kanya, muli siyang bumalik sa pagtakbo, pero sa pagkakataong iyun ay nag-iisa na lamang siya.
May iba pa siyang bagay na ginagawa, ang paglangoy at paggawa ng pilates.