Advertisers
Ni Rommel Gonzales
Kay Eric Quizon na nanggaling na iisa lamang si Mang Dolphy.
Magaling na aktor si Eric, tulad na lamang ng ipinakita niyang akting sa latest film niyang Jackstone 5 kaya may nag-opinyon na si Eric ang next Dolphy.
Tinutulan ito ni Eric.
“Parang hindi. Parang marami pa akong kakainin.
“There’s only one Dolphy. Maybe there’s an Eric.”
Samantala, still on Jackstone 5, bukod sa nakabuo sila ng pelikula ay nakabuo rin daw sila ng friendship ng mga nakasama ni Eric sa pelikula.
Happy si Eric na naging totoong kaibigan niya ang mga co-stars sa pelikula na sina Joel Lamangan (na direktor rin ng pelikula), Arnell Ignacio, Jim Pebanco at Gardo Versoza.
“Ako sinasabi ko nga sa sarili ko, e. Ngayong tumatanda na ako, ngayon ko na nare-realize yung value ng friendship. Yung value ng mga kaibigan.
“Kasi itong mga tao na ito, sila yung puwede mong puntahan, sandalan, takbuhan, sa mga in times of need or dark times or even yung mga masasayang panahon.
“And of course, sa family. At the end of the day, family mo yan.
“So ang babalik-balikan mo ay ang pamilya.”
Ayon pa rin kay Eric, kahit baklaang pelikula ang Jackstone 5, ito ay para din sa lahat, hindi lamang para sa mga bading.
“Yes! Of course ang characters, they’re all gay, but ang pinag-uusapan talaga, ang inaano talaga ng pelikula is friendship.
“So, lahat tayo, meron tayong mga kaibigan.
“And of course, bawat isa sa amin, may pamilya kami. So, it talks about family as well.
“Mas maano pa dun yung relasyon ng bawat isa.
“And then, OFWs pa. Ilang milyon ba ang mga Filipinos ba na nakatira abroad?
“So, I guess maraming makaka-relate dun sa movie na ito. The movie is actually for the whole family. Not just for the LGBTQ community.”
Palabas sa mga sinehan simula ngayong December 3, ang Jackstone 5 ay mula sa APEX Creative Production, Inc., with Dennis Evangelista as line producer.
***
Speaking of Arnell Ignacio agree siya sa sinabi ni Eric Quizon na ang pelikula nilaNG Jackstone 5 ay para sa lahat, para rin sa mga tunay na lalaki.
“Marami rin akong mga kaibigang talagang true grit na straight,” umpisang kuwento ni Arnell.
“Siyempre, hindi ko naman sila kinukuwentuhan ng mga sexual escapades ko. Hindi sila maka-relate dun.
“Pero what I wish they will discover, that there’s really not that much of a difference.”
At para kay Arnell, pareho lang naman raw ang bading at straight na lalaki.
“Yung bading, siguro naiba lang sa tono kung papano naglalahad ng kanyang kuwento.
“Basically, pareho lang naman, e.
“Pareho lang, ang mga lalaki, may babaero. Pareho lang ang problema, nag-iiba lang yung character.
“Napansin niyo, hindi naman niyo nararamdaman na nanonood kayo ng mga bakla, e. Naaaliw lang tayo, kasi ang mga bakla kasi, ang ingay.
“Ang mga straight, hindi maingay. Pero yung basic na nangyayari sa kanyang kaisipan, ang kanyang mga hinaharap na suliranin, pareho lang.
“So sana, through this movie, makapag-contribute ng realization na there’s not much to be debated upon.
“Hindi naman tayo kailangang magdebate kung bakit tayo magkakaiba.
“Hindi naman tayo magkakaiba, e.
“Ang iba lang yung tono, pero yung sinasabi at sinasalaysay ay pareho lang,” paglilinaw pa ni Arnell.