Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
LABIS ang kasiyahan at pasasalamat ng kilalang pilantropo at businesswoman na si Cecille Bravo nang manalo as Darling of the Press ng PMPC sa katatapos na 41st Star Awards for Movies.
Walang dudang deserved ni Ms. Cecille ang parangal dahil ang kanyang kabaitan at pagiging matulungin ay kilala sa apat na sulok ng showbiz world.
Sa kanyang acceptance speech, aminado si Ms. Cecille na hindi siya umasang mananalo. “Noong sinabi pong nominee ako, siyempre hindi ko naman po talaga in-expect na mananalo ako dahil sino ba naman ako? Pero dahil siguro po na lagi nila akong nakikita, nakakasama, at nginingitian ko po sila dahil nagpapasalamat po ako na nagtitiyaga silang i-feature kami…
“Tulad po ngayon, lalo pa po akong na-inspire. Kasi lagi po nating ginagamit ang mga word na darling, sweetheart… so sabi ko, ano ba ang meaning ng darling? Term of endearments, hindi po ba? Na ikaw ay mahal, ikaw ay gusto, ikaw ay cherished, ikaw ay favorite…”
Pagpapatuloy pa ng Vice President for Finance and Administration ng Intele Builders and Development Corporation, “Thank you po talaga dahil para sa akin napakalaking karangalan nito. Bago lang ako (sa showbiz), tapos ako pa ang nanalo. Pagbubutihin ko po lalo ang pakikisama sa inyo, lalo ko pong pipilitin na mapanatiling magkaroon ng voice ang mga taong aming tinutulungan dahil importante po kayo sa amin. Maraming-marami pong salamat, God bless us all.”
Sa naunang panayam namin sa kanya nang usisain namin na ang co-nominees niya ay mga bigatin tulad nina Kim Chiu, Rez Cortez, Baby Go, Martin Nievera, Imelda Papin, Piolo Pascual at Gladys Reyes, ito ang kanyang naging tugon.
“I am truly humbled, iyong mahanay sa mga kilala, mahuhusay, at magagaling nating aktor ay labis kong ipinagpapasalamat po.”
Dagdag pa ni Ms. Cecille, “Sa mga pinagpilian po, talagang alam ko po na hindi lang sa pagiging artista nila o saan man silang aspeto naroroon, alam ko na wala akong kalaban-laban… Pero sabi nga po siguro kindness goes a long way.
“Nang makilala ko ang mga press, napalapit sila sa puso ko. Thankful ako kasi napalapit din ako sa kanila, ito ngayon ang bunga, ‘yung fruit of my labors, iba pala sila magbigay ng pagmamahal pabalik
“Ever since, I have high respect both sa media people and actor of our Philippine industry. When I was given a chance to play a bit role in a movie, it made me see the hardships it takes to make one. Malapit ako sa media, simply because ito ako, no pretentions, just enjoying my time and wanting to show appreciation to people I meet from the press that are equally kind and sweet to me. I try to be fair and kind.”
Inalay din niya ang naturang parangal sa mga mahal sa buhay.
“Para sa aking asawa (Pete Bravo), sa pamilya ko, mga anak ko, mother ko, mga kaibigan ko, at iba pang sumusuporta sa akin, at sa inyo siyempre mga press.
“Imagine naman ang dami-daming pipiliin, ako ang nakita ninyo. Iyong mabigyan nyo ako nito, napakahalaga nito. This is not just something na basta-basta lang nakukuha nang mabilisan,” masayang sambit pa ni Ms. Cecille.