Advertisers

Advertisers

Pamangkin, patay sa saksak ng tiyuhin

0 78

Advertisers

PATAY ang isang lalaki nang saksakin ng kanyang tiyuhin habang sugatan naman ang kanilang kapitbahay sa Malabon City.

Hindi na umabot ng buhay sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong saksak sa dibdib ang biktimang si Jimy Gajo, Jr., 34; habang pinayagan namang makauwi si alyas “Celo”, 65, nang magamot ang tinamong sugat.



Kasalukuyang nakapiit ang suspek na si alyas “Pedong”, 63, sa Malabon City Police Station at mahaharap sa kaukulang mga kaso.

Sa imbestigasyon nina P/SSg Bengie Nalogoc at P/MSg Michael Oben, unang pinagsasaksak ng suspek ang pamangkin na kasama niya sa bahay nang pasukin sa loob ng silid Miyerkules ng umaga bago sinugod at sinaksak din ang kapitbahay na si alyas Celo na nasugatan sa mukha at dibdib makaraang makatakbong palabas ng bahay.

Matapos ang insidente, mabilis na isinugod ang mga biktima sa nasabing pagamutan subalit, hindi na umabot ng buhay si Jimy habang nadakip naman ang suspek at nabawi sa kanya ang ginamit na patalim na may bahid pa ng dugo.

Sa pahayag sa pulisya ng ina ng biktima, pinagbantaan siya ng kapatid na sasaksakin din nang puntahan ang silid ng anak matapos marinig ang kalabugan.(Beth Samson)