Advertisers

Advertisers

Transparency portal ibinida ng Philhealth

0 60

Advertisers

Ibinida ng PhilHealth ang kanilang transparency portal na inilunsad noong Nobyembre 24 ngayong taon, katuwang ang Department of Information and Communications Technology (DICT).

Sinasabing layunin nitong isulong ang vision ng Bagong Pilipinas kung saan may karapatan ang bawat Pilipino na makita, maunawaan, at masubaybayan ang operasyon ng gobyerno, lalo na ang PhilHealth.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon Public Briefing, ipinaliwanag ni PhilHealth President at CEO Dr. Edwin Mercado na makikita sa portal ang financial statements, total claims ng mga ospital at health facilities at annual reports upang mapatunayan na may sapat na pondo ang ahensya at malinaw na magabayan ang publiko sa paggamit ng kanilang kontribusyon.

Bukod dito, mayroon ding public engagement at feedback links kung saan maaaring maghain ng reklamo o magpadala ng tanong ang mga miyembro.

Nilinaw naman ni Mercado na ang personal na impormasyon ng isang miyembro ay makikita sa member portal at eGov app na nangangailangan ng identity verification at biometric confirmation.

Sa pamamagitan nito, sinabi ni Mercado na makikita ng mga miyembro ang kanilang kontribusyon, record ng availment, at iba pang detalye ng benepisyo.

Dagdag pa ng opisyal, ikokonekta rin sa eGov app ang bagong programang YAKAP outpatient benefit package ng ahensya, kabilang ang PhilHealth GAMOT na may nakalaang ?20,000 para sa outpatient medications at opsyon ng pagpili ng primary care physician.

Nakatuon aniya ang transparency portal sa mga polisiya, annual reports at financial data ng ahensya. (Gilbert Perdez)