Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 1,949 na karagdagang kaso ng COVID-19.
Samantala ay mayroon namang naitalang 7,729 na gumaling at 53 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.4% (27,765) ang aktibong kaso, 92.6% (475,612) na ang gumaling, at 1.99% (10,242) ang namatay.
Ang Davao City naman ang may pinakamaraming naitalang kaso na umabot sa 99 na sinundan ng Quezon City na 98.
Pangatlo naman ang lalawigan ng Cavite na mayroong 74 at sinundan ng Baguio City, 73 at ang lalawigan ng Leyte naman ay nakapagtala ng 63 kaso.
Limang laboratoryo naman ayon sa DOH ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)