Advertisers

Advertisers

Lineman nalitson nang makuryente

0 252

Advertisers

NASAWI ang isang lineman ng Capiz Electric Cooperative (CAPELCO) nang makuryente sa inaayos na poste sa Barangay Pinay, Mambusao, Capiz.
Kinilala ang biktima na si Roderick Detangco, 42- anyos, residente ng Barangay Timpas, Panit-an, Capiz.
Sa report, aksidenteng nahawakan ng biktima ang linya ng kuryente sa poste habang inaayos nito ang distribution line.
Nagtamo ng 3rd degree burn sa katawan ang biktima na nalagutan ng hininga sa Mambusao District Hospital.