Advertisers
HUMINGI ng paumanhin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga personalidad na napagkamalang nahuli at napatay na communist rebels.
Kaugnay ito sa kanilang facebook post na nag-viral na nag-red tag sa isang alumni ng University of the Philippines (UP).
Ayon sa AFP Civil-Military Operations Office o J7, agad nilang binura ang facebook post matapos umani ng batikos.
Nagsasagawa na rin aniya sila ng imbestigasyon kung paano nailabas ang listahan.
Tiniyak pa ng militar na kanilang papanagutin kung sino ang may sala.
Siniguro ng AFP na hindi na ito maulit sa hinahaharap.
Una nang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi nya alam kung bakit ginawa ng AFP na maglabas ng listahan.
Bago naman nito, nanawagan si Atty. Rafael Aquino sa AFP na maglabas ng apology matapos masama ang kanyang pangalan sa listahan. (Josephine Patricio)