Advertisers

Advertisers

Manny Pacquiao (MP) Chess Philippines may basbas ng GAB

0 14

Advertisers

NAGDAOS ng produktibong pagpupulong ang matataas na opisyal ng Games and Amusements Board (GAB) kaugnay ng pagdaraos ng pinakahihintay na Manny Pacquiao (MP) Chess Philippines na susulong mismo sa GAB Central Office sa Makati City.



Ang nabanggit na mind game ay iisponsoran ni Senator Manny Pacquiao, na bukod sa pagiging legendary Filipino professional boxer, ay matalas din sa larong ahedres —patunay ng kanyang patuloy na adbokasiya para sa pagsulong ng larong chess sa Pilipinas.

Ang pulong ay nagsilbing plataporma sa inisyal na mga diskusyon na nakapokus sa requirements, support, at services na maikakaloob ng GAB upang maìsyuhan ng permit at licenses to professionalize ang mga kaganapan sa pro-chess upang maseguro ang smooth conduct sa ilalim ng superbisyon at regulasyon ng ahensiya.



Optimistiko si GAB Chairman Atty.Francisco na magiging konkreto ang komprehensibong preparasyon para sa naturang.kaganapan at binigyang -diin ang pakinabang ng grassroots sports program para sa kabataan na naglalayong makadiskubre pa ng mga bagong talento na ang direksyon ay ang talents na mabibigyan din ng oportunidad na maging professional na atleta ng bansa at mataguriang ‘future roster of chess prodigies’.

Kaagapay sa naturang pulong sa GAB sina officials Jun Lasco at John Salcedo. (Danny Simon)