Advertisers
NAPIGILAN nina Francis Erl Jud Abundo at Kathleya Elaine Bustamante ang tagtuyot matapos ang pagbuhos ng kambal na gintong medalya na tampok sa naunang 2 tanso at 2 pilak na ambag ng 4 pang magiting na karatekas ng Pilipinas upang sagipin ang araw para sa hometown best bets sa pagtatapos nitong Linggo ng Karate One-Youth League na handog ng Philippine Sports Commission sa SM Mall of Asia sa Pasay City.
Dominado ni Abundo ang katunggaling si Bruneian Azlee Khairi bin Wan Zuraimi 7-0 upang saklitin ang ginto sa under-14 male kumite -40-kilogram class na torneong may basbas ng World Karate Federation at inorganisa ng Karate Pilipinas Sports Federation, Inc.
Matapos ang 3 araw na ‘dry spell,’umagos pa ang pag-asa para sa bansa sa kagitingan ni Bustamante na sumungkit din ng gold medal pero dumaan muna sa butas ng karayom bago nakarating sa finals at tanghaling kampeon sa under-14 kumite female -47kg class.
Sina Dean Caleb Montalbo at Alexa Rae Vallesteros ay dumagdag ñg silver bawat isa sa kanilang runner-up honors sa under-14 male and female divisions ng kata ng kaganapang suportado rin ng SM Group of Companies, Lanson’s Place at Milo.
Si Ashana Geanne Sabote naman Ang unang nag- deliver unang medalya para sa bansa ,ang bronze sa repechage round ng kumite female -42kg class, na sinundan pa ng tanso ni Kaylani Vergara matapos talunin si Serbian Andrea Nikolic 4-1.
Ang Karatekas Pilipinas ay kumubra ng ka-buuang 2 golds, 2 silvers at 2 bronze medals upang maging mabunga Ang kampanya sa torneong sinuportahan din ng Citadines Bay City Manila na humatak ng halos 800 karatekas mula 58 bansa.
“Akala ko magiging close fight siya dahil finals,” wika ni Abundo, Isang Grade 7 student ng Agustinian Abbey School of Las Piñas.
Halos maluha naman sa tuwa si Bustamante sa kanyang pa nalo at ibinulalas niyang “this victory feels so good because this I have never had this before. This was a totally a surprise for me.” (Danny Simon)