Advertisers

Advertisers

Magarang bahay ni Barbie Imperial sa Bicol, galing sa Sugar Dad?

0 14

Advertisers

Ni Favatinni San

PROUD si Barbie Imperial sa kanyang magarang bahay sa Bicol. Sampung taon din niyang pinag-ipunan para maitayo ang kanyang dream house.

May garden at pool. Masasabi niya sa kanyang sarili na may sariling bahay siya.

Bakit sa Bicol?

Para sa kanyang mother dearest at pamilya niya. May projects pa naman siya.

Kamakailan, naging abala sa birthday ni Raymond at kanyang kakambal na si Raymond si Barbie.

E, siste, maraming bashers sa social na tumataas ang kilay na galing daw ito sa sugar daddy, huh!

Ayaw na sana sagutin ni Barbie ang isyu at nagpayo sa kanya na “deadmahin” na lang.

Nakapagtataka kung saan kumuha si Barbie ng budget para sa kanyang house and lot.

Isa pa, ngayon pa siya umamin na opisyal na may relasyon sila ni Richard Gutierrez.

Oops, marami ang nanalangin na sana maging maganda ang pagmamahalan nila ni Richard.

JOEL MENDREZ, REVIVAL KING… MATULUNGIN

MARAMI ang nagkagusto sa bersiyon ni Jojo Mendrez ng i-,revive nila ang awiting “Somewhere In May Past”, original song ni Julie Vega. Iba talaga ang Revival King. Maging pa-kontes niya na “Cashcalator at Cashlevator” kapag nakasubong niya sa mall… give siya ng P1K. May kababayan din tayo na nabiyayaan ni Jojo na ala wish ko lang. Tunay na nabago ang panumuhay nila.

Last December, pumatok ang original song niya na “Ngayong Pasko’y, Ikaw Pa Rin”. Nagpa-kontes siya kung saan bibigyang buhay ‘yun kantang Pamasko.

Hinati sa tatlong categories, celebrity challenge edition, tig P50K. Sina Alma Concepcion ay Magdalena Fox. Grand acting video wagi sina Wendell Alvarez, P25K at Malou Naredo, panalo ng P25K.

Sa hugot video, naghati rin sa P50K sina Bu Ra Day at Rejean Valentin Aungon.

Ngayon, may bagong bersyon si Jojo sayaw at kasama niya si Cadena Queen, na si Mylene Taguian Olarte. Siyempre abangan natin ang version ng awiting Yakap.

Sana, marami ka pang matulungan na kababayan natin.