Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
Masaya si Karla Estrada na naging katuwang niya si Daniel Padilla sa pagtataguyod ng kanilang pamilya.
Katunayan, sa edad na 15 anyos ay namulat na si Daniel sa pagpupursige sa trabaho.
Hindi man niya inoobliga ang anak ay kusang loob din itong tumutulong sa kanya sa mga pangangailangan ng kanyang pamilya.
Naging kasangga rin niya si DJ sa mga importanteng desisyon ng pamilya at mga kapatid.
Ngayong nasa tamang edad na, ayon pa kay Momshie Karla, bet na raw niyang pakawalan ang anak at payagang mag-asawa ito.
“Matagal na. By the time na nakita kong responsible na siya sa pera niya, sa trabaho niya at sa buhay niya, ipinaubaya ko na sa kanya ang kanyang pakpak,” aniya.“Matagal na siya napalaya at lumipad. Ang mga anak ko kasi ay maaga kong ginawang responsible sa buhay, kaya hindi ako mag-aalala ,” dugtong niya.
Natanong naman ang aktres kung kailan nagsimula ang pagpayag niya para lumagay na ito sa tahimik.
“I don’t remember kung kailan . Pero, this is before pandemic pa, okay na siya.
Si Daniel, ano eh, matanda mag-isip. Sobra siyang matanda, makaluma at marami siyang ideas. Lolo talaga siya mag-isip. He’s very responsible,” bulalas niya. “Maaga siguro siyang namulat . At 15 nasa industriya na siya. At a very young age alam na niya , na ako lang ang andito mag-isa.Nakakatulong din pala na ‘yung mga anak natin ay mulat sa pamilya nila. Hindi ko binuhay ‘yung mga anak ko sa pagkukunwari,” dugtong niya.
Si Karla ang kauna-unahang brand ambassador ng W Express, isang courier at logistics company na nag-aalok ng Korean visa assistance.
Ayon kay Karla, malaki raw ang naitulong ng kumpanya noong panahong kailangan nila ng visa ng pamilya papuntang Korea para dumalo sa awards night kung saan pinarangalan si Daniel sa Seoul International Drama Awards noong nakaraang taon.
Sey pa ng aktres, sobra raw siyang na-impress sa kalidad ng serbisyo ng W Express.
“When I tried W Express’ KVAC service for my Korean visa, talagang naging madali ang proseso. Maayos ang sistema, malinaw ang steps, at wala akong naging aberya. Nakaka-relieve ng stress kasi alam mong safe at in good hands ang documents mo. Malaking bagay ‘yun lalo na kapag marami kang inaasikaso,”paliwanag niya.
Ayon naman sa W Express Chairrman at President Dawn Feliciano, kinuha nila bilang endorser si Karla dahil swak ang values nito sa kanilang kumpanya.
“She’s real.What you see is what you get. She has the values that we also carry, ” aniya.
“For 55 years, W Express has focused on delivering reliable service that customers can depend on. We understand how important every package or document is to the people who entrust them to us. Karla Estrada represents the warmth and authenticity that resonate with our customers. Her experience reflects what W Express has always aimed to provide — dependable service delivered with care,” dugtong niya.