Advertisers

Advertisers

‘Almost Us’ nina JM at Fyang kwento ng magbespren na nainlab sa isa’t isa

0 27

Advertisers

Ni Anne Venancio

BIBIDA sa pelikulang “Almost Us” ang isa sa pinakasikat na loveteam ngayon, sina JM Ibarra at Fyang Smith o mas kilala bilang JMFyang. Nakatakdang mapanood ang kanilang unang big-screen team-up sa May 6, 2026 sa ilalim ng Regal Entertainment at Project 8 Projects, sa direksyon ni Dan Villegas.

Masigla ang tambalan sa kanilang unang script reading, at kahit nga Valentine’s Day, trabaho pa rin ang inatupag ng dalawa kasama ang buong cast.

Ayon kay JM, mas naging malapit sila sa kanilang mga kasamahan sa proyekto. “Happy kami kasi naka-bonding namin yung cast na ngayon lang namin na-meet at mas naiintindihan na namin yung kwento,” ani niya.

Dagdag naman ni Fyang, mas malinaw na sa kanila ang ugnayan ng mga karakter. “Nakonek-konek na namin kung paano namin gagawin yung connections ng mga characters,” pahayag niya.

Nagpasalamat si JM sa Regal dahil natupad ang isa sa kanilang mga pangarap na makapagbida sa pelikula matapos ang kanilang tagumpay sa nakaraang MMFF.

Ayon kay Direk Dan, iikot ang kuwento sa magkaibigang unti-unting matutuklasan ang tunay nilang nararamdaman sa isa’t isa. “Ang ‘Almost Us’ ay bestfriends story. Maghahabulan yung isang bestfriend sa isa pa hanggang sa mare-realize nila na sila pala,” aniya.

Sentro ng pelikula ang dynamics ng pagkakaibigan na dahan-dahang nauuwi sa pag-ibig—isang temang malapit sa puso ng bagong henerasyon.

Giit naman ni Fyang, “Ngayong generation, sobrang daming takot mag-take risks kasi ayaw nilang masira yung friendship.

Sa “Almost Us,” inaasahang muling mabubuhay ang kilig ng JMFyang, habang sinusubok ang lalim ng kanilang pag-arte sa isang kuwento ng pag-ibig.