Advertisers
INANUNSYO ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na ang Department of Foreign Affairs ang nakatoka sa pagpapauwi kay dating AKO Bicol Partylist Rep. Zaldy Co sa bansa.
Sa isang panayam, binigyang diin ni Remulla na ang pagpapabalik sa bansa kay Co ay nakadende sa diplomatic channels at mga legal na proseso.
Sa ganitong uri aniya ng usapin ay maaaring panghimasukan at pangunahan ng Department of Foreign Affairs
Ayon sa kalihim, hindi pa nila nairereport sa INTERPOL si Co.