Advertisers
WALANG nakitang maayos na istruktura sa P92.8 milyong flood control project sa Pandi, Bulacan, maliban sa hindi bababa sa tatlong set ng kinakalawang na sheet piles.
Ito ang nadiskubre ng Sandiganbayan Third Division matapos magsagawa ng inspeksyon kahapon, April 15, sa dapat sana’y 128 metrong flood control project sa naturang lugar.
Kaugnay ito sa kinahaharap na malversation case ni dating Senator Bong Revilla Jr. at ilang engineers ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Bulacan.
Isinagawa ang inspeksyon upang i-verify ang magkasalungat na pahayag ng dalawang prosecution witnesses sa Sandiganba-yan.
Sa huli, mismong ang DPWH na ang nagsabing maituturing na “ghost project” ang naturang proyekto, sa kabila ng pagkakatuklas ng ilang kinakalawang na sheet piles sa site.