Advertisers
ASAHAN ang panibagong malakihang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ito ay sa gitna ng pananatiling mababa ng presyo ng inaangkat na langis sa unang tatlong araw ng trading ngayong linggo.
Batay sa tatlong araw na trading mula Abril 13 hanggang 15, ang presyo ng diesel ay inaasahang magkakaroon ng rollback na P16.80 kada litro, sa gasolina P3.20 kada litro habang sa kerosene ay nasa P2.60 kada litro.
Subalit, mayroon pang dalawang trading days, kayat maaari pang mabago ang halaga ng rollback sa mga produktong petrolyo at ia-anunsiyo ng mga kompaniya ng langis ang opisyal na presyo sa Lunes at magiging epektibo sa Martes.