Advertisers

Advertisers

ORDINANSA KONTRA TICKET SCALPING, MAHIGPIT NA IPINATUTUPAD SA CALAPAN

0 42

Advertisers

APRUBADO na sa ika-33 Regular Session ng Sangguniang Panlungsod ang ordinansang inihain nina Konsehal Atty. Rap Infantado at Konsehal Joe Umali na naglalayong sugpuin ang ticket scalping sa Lungsod ng Calapan.

Layunin ng “City of Calapan Anti-Scalping Ordinance of 2026” na protektahan ang mga pasahero laban sa ilegal na pagbili, pag-iimbak (hoarding), at muling pagbebenta ng passenger at vehicle tickets nang lampas sa itinakdang presyo.

Saklaw ng ordinansa ang lahat ng pampublikong transportasyon sa lungsod, kabilang ang mga pantalan, bus terminals, ticketing offices, at iba pang kaugnay na pasilidad.

Sa ilalim ng City Ordinance, titiyakin ang patas na presyo at transparency sa bentahan ng tiket, habang paiigtingin ang pagpapatupad laban sa mga lalabag.

Ang sinumang mapatutunayang lumabag ay maaaring pagmultahin ng ?5,000 o makulong ng hanggang isang taon, o parehong parusa ayon sa desisyon ng korte.

Para naman sa mga ticketing agent, terminal personnel, o empleyado ng transport at shipping operators na sangkot sa paglabag, maaaring irekomenda ang pagbawi ng kanilang business permit, franchise, o accreditation, bukod pa sa posibleng pagsasampa ng kasong administratibo o kriminal.

Itinuturing itong mahalagang hakbang ng lungsod upang mapanatili ang kaayusan, maprotektahan ang mga biyahero, at matiyak ang makatarungan at maayos na sistema ng transportasyon sa Calapan.

***

15K PUHUNANG PANGKABUHAYAN PARA SA BAWAT FARMERS’ ASSOCIATION SA CALAPAN

Samantala nanumpa kay Calapan City Mayor Doy Leachon kamakalawa ang mga bagong opisyales ng Calapan Federation of Farmers’ Association (CALFFA) upang mapagtibay ang paggampan sa kanilang tungkulin ng pagpapalago ng agrikultura ng lungsod. Narito din amg City Agriculture Services Department sa pamumuno ni Officer-in-Charge Ms. Pamela E. Rago.

Gayundin ay inanunsyo ni Mayor Doy na ipagkakaloob na sa kanila ngayong March 17 ang Php 150,000 sa bawat farmers’ association ng lungsod, na dagdag na pondo para sa pagkukunan nila ng kabuhayan kapag nasa offseason sila ng pagsasaka, para sa tuluy-tuloy na kabuhayan at pagkakakitaan para sa kani-kanilang pamilya.

Agrikultura, gagawing kultura, magsasaka, kakalingain, dahil iyan ang pangako ng #MaayosnaBayanSigurado!

***

Anumang reaksyon o suhestiyon i-text sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com