Advertisers

Advertisers

InnerVoices patuloy ang paghataw

0 75

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Maraming banda na ang ipinanganak at nalansag pero nananatiling solido ang all-male group na InnerVoices.

Katunayan, for more than 34 years, patuloy pa rin ang kanilang pamamayagpag.

Ang sikreto: pinagbuklod kasi sila ng pagmamahal sa kanilang musika.

Ayon nga sa band leader at founder na si Atty. Rey Bergado, malalim ang pinagsamahan ng grupo dahil karamihan sa original na miyembro nito ay mga kaklase pa niya sa kolehiyo.

Dagdag pa niya, kumpara raw sa ibang banda, malinaw din ang layunin nila.

“We don’t compete with anyone.We just want to share our passion for music,” ani Atty.Rey.

Para naman sa bokalistang si Patrick Marcelino, isa rin daw sa dahilan kung bakit swak ang grupo ay ang respeto nila sa isa’t-isa .

“We’re not out there for a show. Everyone does his share. We all believe in teamwork,” paliwanag niya.

Speaking of InnerVoices, muling nagpasiklab ang grupo sa kanilang show noong Chinese Lunar New Year, Pebrero 17 sa Noctos Music Bar sa Quezon City kung saan naging front act nila ang Men of Eve.

Nagbigay pugay sila sa pag-awit ng OPM songs tulad ng “Ale( Nasa Langit Na Ba Ako?”) ni Richard Reynoso , “Tuloy Pa Rin” ng Neocolours, “Kapag Tumibok Ang Puso” ni Donna Cruz,”Babaero” ni Randy Santiago, “Nandito Ako” ni Ogie Alcasid, “Minsan Lang Kitang Iibigin” ni Ariel Rivera, “Basta’t Kasama Kita” ni Dingdong Avanzado at marami pang iba.

Dinala rin nila ang audience sa nostalgia ng 80s at 90s sa pag-awit ng popular hits tulad ng “Everybody Wants to Rule The World” at “Shout” ng Tears For Fears, “I Melt With You” ng Modern English, “Wake Me Up Before You Go-go” ng Wham,”Together In Electric Dreams” ni Philip Oakey, “Footloose” ni Kenny Loggins at iba pa.

Kinanta rin nila ang ilan sa kanilang OPM songs tulad ng Sayaw Sa Ilalim ng Buwan, Saksi Ang Mga Tala, at ang inspirational song na “Galaw.”

Bukod kay Atty. Rey, ang Inner Voices ay binubuo nina Patrick Marcelino (vocalist), Rene Tecson (guitarist), Alvin Herbon(bassist), Joseph Cruz (keyboardist)at Joseph Esparago (percussionist).

Ang pamosong grupo ay muling nag-perform sa Hard Rock Café sa Makati noong Pebrero 20.

Sa Pebrero 27 naman ay mapapanood sila sa 12 Monkeys Music Hall and Bar sa ganap na alas 9 ng gabi kung saan front act nila ang 25 Abbey.

Samantala, patuloy naman ang paghataw ng kanilang song na “Saksi Ang Mga Tala” sa numero unong puwesto sa VibePh.