Advertisers

Advertisers

Dimayuga, Bouffaut nangibabaw sa U15 category sa Nat’l Age Group Triathlon

0 44

Advertisers

NAMAYANI ang mga manlalaro ng Get Coach’d Academy na sina Diego Jose Dimayuga at Alaina Bouffaut sa National Age Group Triathlon Championships super sprint U15 (13-15 taong gulang) sa Subic Bay Freeport Zone Sabado.

Naitala ni Dimayuga ang 31 minuto at 46 na segundo upang talunin ang kanyang kakampi na si Pio Mishael Gabriel (33:31) sa boys’ division ng 500m swim-10km bike-2.5km run race. Si Joseph Ian Caluste ng Be Tritans (34:15) ang pumangatlo.

Nagtala rin ng 1-2 na finish sina Bouffaut at Naomi Rozeboom sa girl’s division sa kaganapan na sinuportahan ng Philippine Sports Commission at Subic Bay Metropolitan Authority Tourism.

Isinumite ni Bouffaut ang pinakamahusay na oras na 37:39 na sinundan ni Rozeboom (37:51), habang pumangatlo si Lauren Lee Tan (37:55), na tinalo ang kapatid ni Dimayuga na si Naomi Rosalie (37:56).

Nakaiskedyul sina Dimayuga at Bouffaut na lumahok sa Asian Junior at U23 Championships sa Hong Kong mula Mayo 12 hanggang 15.

Samantala,nakamit nina Jewel Hunter Galang at Ylianna Devera ang super tri kids 6-under division (50m-1km-400m).

“I’m happy to win. It’s easy and fun,” Wika ng kindergarten student na si Devera.

Ang iba pang nagwagi sa event na inorganisa ng Triathlon Philippines bilang bahagi ng kanilang grassroots at talent identification program ay sina Marcus Jayden Balaquit ng Wavemakers Swim Team at Danica Angodung (11-12 years; 440m-8km-2km); Eli Juan Dela Cruz ng Team Megawide at Ami Takei ng Team Honu (9-10 years; 200m-6km-1 km); at Ethan Gregorio ng OJT at Francesca Bader Mendoza ng Gas Coaching/Ace Seawolves (7-8 years; 100m-2km-800m).