Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
Isa sa bida ang singer-actress na si Shira Tweg sa pelikulang “Mantsa” na idinirehe ni Louie Ignacio.
Ani Shira, malaking hamon sa kanya ang kanyang role sa nasabing obra ng award-winning director.
“I play the role po ng witness sa murder po. Ito po iyong unang psychological thriller na ginawa ko,”ani Shira.
First time rin daw niyang makatrabaho ang beteranang actress na si Pilar Pilapil na gumaganap bilang Lola niya.
Pagbabahagi niya, na-intimidate raw siya at natakot noong una nang malamang makaka-work niya ang de kalibreng actress.
“Madalas po kasi ang roles niya ay iyong mayaman, salbahe at donya kaya ang buong akala ko ay suplada siya kaya kinabahan po talaga ako,”bulalas niya.”Tapos, magaling at award-winning actress din po siya, kaya talaga pong nakaka-intimidate,”dugtong niya.
Gayunpaman, nagbago raw ang impresyon niya nang makatrabaho na niya ang Cebuana actress.
“Sobrang supportive po niya.Inalalayan po niya ako at iyong ibang baguhan na kasama sa movie. Napakabait din po niya,”pahayag niya.
Ang “Mantsa” ay isang Pinoy psychological suspense thriller na pumapaksa sa usapin ng mental health, intergenerational trauma, at ang masalimuot na ugnayan sa isang pamilya.
Tungkol ito sa kuwento ni Lola Pacita (Pilar Pilapil), isang matandang babae na naninirahan sa isang liblib na isla kasama ang kanyang anak.
Magiging kumplikado ang pakikitungo niya sa kanyang mga apo dahil sa bigat ng lihim na baon niya mula sa nakaraan.
Iprinudyus ng Dragon Entertainment Productions, ito ang hudyat ng pagbabalik ng veteran at award-winning actress na si Ms. Pilar Pilapil.
Kasama rin sa powerhouse cast sina Snooky Serna, Janice De Belen, at Gelli De Belen.
Nasa cast din sina Shira Tweg (New Movie Actress of the Year awardee of PMPC Star Awards for Movies 2024), Lloyd Samartino, Dino Guevara, Bo Bautista, Khai Flores (New Movie Actor of the Year by PMPC Star Awards for Movies 2024), LA Santos, Miles Poblete, Than Perez, Ghia Garcia, Mill Marzo, Rain Barretto at RJ Ariar.
Ang pelikula ay mula sa panulat ni Krista Ann Taclan – Fuchs mula sa orihinal na kuwento ni Bambbi Fuentes.
Katulong naman sa produksyon sina T.M. Malones bilang cinematographer, Dennis C. Evangelista bilang line producer at Rosswil Hilario bilang assistant director. Co-producer naman si Apeng Valenzuela, with Bambbi Fuentes at Tine Areola as supervising and executive producers.
Ang pinakaaabangang suspense thriller na ito ay mula sa direksyon ng award-winning director na si Louie Ignacio, (“Asintado”, “Laut , “Area”, “School Service” , “Litrato” at “AbeNida”.