Advertisers
Ni Beth Gelena
Itinanggi ni Dingdong Dantes na may kakayahang pamunuan ni VP Sara Duterte ang Pilipinas.
May post umano ang Kapuso actor na sinasabi niya umano na may katalinuhan at kakayahang pamunuan si Vice President Sara Duterte ang Pilipinas.
Sa gitna ng kaguluhang pampulitika sa gobyerno ng Pilipinas, inanunsyo ni Pangalawang Pangulong Sara na tatakbo siya bilang pangulo sa 2028.
Ang kanyang deklarasyon ay kasabay ng paghingi ng tawad sa sambayanang Pilipino dahil sa pag-endorso niya kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ang pinakamalakas na kalaban ni Marcos Jr. noon ay ang dating Pangalawang Pangulo at ngayon ay Mayor ng Naga City na si Leni Robredo kung saan may mga tagasuporta rin si Robredo na kinabibilangan ng ilang kilalang personalidad sa industriya ng showbiz.
At isa nga ang Kapuso actorsa mga artista sa showbiz na sumusuporta sa panawagan ng dating Bise Presidente Leni Robredo na bawasan ang korapsyon sa gobyerno at sa kanyang mga paraan upang makamit ang layunin.
Noong 2016, ipinahayag ni Dantes ang kanyang suporta kay Robredo dahil sa kanyang karakter at dedikasyon sa mabuting pamamahala.
Noong 2022, hindi direktang pinangalanan ni Dantes ang mga kandidatong sinusuportahan niya, marahil dahil sa mga kontrata niya noon, ngunit napansin ng mga tagasuporta ni dating Bise Presidente Robredo ang banayad na pagtango at pagsang-ayon nito sa kanya. Hindi lamang si Dingdong kundi pati na rin ang kanyang asawa, ang Kapuso actress na si Marian Rivera, ay sumusuporta sa dating Bise Presidente.
Kamakailan sa social media, pinabulaanan ni Dantes ang pahayag na umano’y ipinahayag niya ang kanyang paniniwala sa kakayahan ni Bise Presidente Sara na pamunuan ang bansa.
Nag-post ang Kapuso actor ng screenshot ng mga pahayag na patungkol sa kanya at nilinaw sa caption ng post na hindi niya ito sinabi.