Advertisers
Ni Beth Gelena
Nagbigay ng babala si Kylie Padilla tungkol sa pekeng quotes na iniuugnay sa kanya.
Ayon sa aktres, karamihan sa mga nilalamang ibinabahagi ay hindi tugma sa kanyang mga tunay na salita o karanasan. Hinimok niya ang mga netizen na beripikahin ang impormasyon at maging maingat sa paniniwala o pagbabahagi ng nilalaman sa social media.
“Mula sa mga larawang AI hanggang sa mga pekeng sipi na hindi ko talaga sinabing kumakalat online,” pagdidiin ng Kapuso aktres.
DGdag pa niya, “Mej nakakatakot ah. Dami kong nakikita na fake at hindi naman totoo at never ko sinabi.”
Dahil lalong lumalaganap ang maling impormasyon sa social media, hinimok niya Kylie ang kanyang supporters na magsanay ng mas mahusay na digital literacy at beripikahin ang impormasyong kanilang natutuklasan bago ito paniwalaan o ibahagi. Binigyang-diin niya na ang online content ay hindi dapat basta-basta ituring na totoo upang maiwasan ang pagkalat ng mga maling salaysay. Tinapos niya ang kanyang mensahe sa pagsasabing, “Mag-ingat kayo sa nakikita ninyo online, hindi lahat ng totoo. Huwag ninyong paniwalaan ang lahat ng inyong nakikita at nababasa.”