Rozz Daniels Impromtu Pinakanta Sa Fiesta, Pop Rock Diva Amused Sa Pagiging Hurado Ng “Miss Gay Pangkalawakan 2026”
Advertisers
Ni Peter Ledesma
Bago pala nakipagsapalaran sa bansang Amerika, itong si Rozz Daniels, ay matagal pa siyang tumira sa Otis Paco, Manila. Ngayon ay ang kapatid nitong si Melody at mga anak at apo ang nakatira sa bahay na nabili ni Rozz at ng american husband si Sir David Daniels.
Kaya noong naimbitahan si Rozz para mag-judge sa fiesta ng lugar nila sa Brgy. 832-Zone 90 Otis Paco, Manila ay umuo agad siya, dahil ito ang place niya noong kanyang kabataan. Sa excitement nga ni Rozz, ay bago idaos ang fiesta ay kumuha pa siya ng tatlong rooms sa Go Hotels Otis. Na isa para sa kanila ni Sir David at yung dalawa ay para sa pamangking si Monica na laging ka-collab sa sayaw. Monica is with his husband and their baby. Sa amin naman yung isang room ng ka-team Rozz kong sina Benny Andaya at Timmy Basil. Rozz and Sir David treat us dinner in famous Vietnamese Resto na Pho Hoa sa Robinsons Otis. Yes na-enjoyed naming lahat ang pag-stay dito sa Go Hotels.
Noong gabing mag-judge(celebrity judge)naman sa “Miss Gay Pangkalawakan 2026.” Grabe, sobrang dami ng tao na nanonood, na taon-taon ay kinaaaliwang panoorin ang contest na ito ng mga bading na galing pa sa iba’t-ibang mga lugar. Maging si Rozz, na tumayong isa sa mga hurado ay na-amused lalo na sa swimsuit competition at talent portion ng contestants. Kaya sa tuwa nito ay bongga rin ang mga score na ibinigay niya sa alam niyang mga deserving na masali sa Top Five Finalists.
At habang nagju-judge ay may biglang lumapit na konsehala kay Rozz, na hinilingan siyang kumanta dahil alam nga ni konsehala na recording artist ang dating ka-barangay. At hindi naman ito binigo ni Rozz impromptu kahit walang practice para kay konsehala at mga tao ay sumampa siya sa entablado para kumanta ng release ng latest single revival na “Bulong Ng Damdamin. At siyempre nakatanggap na naman ng malakas na palakpakan si Rozz. At pagbaba nga nito ng stage ay may mga lumapit sa kaniya, para i-congratulate sa mahusay nitong performance. After ng event ay ininvite kami ni Rozz sa kanilang house, kung saan ay nabusog kaming lahat sa kanilang handa na niluto ng sister ni Rozz na si Melody at ng iba pang kasama. Kinabukasan sa mismong araw ng fiesta balik uli kami ritong lahat at masaganang kainan na naman at kantahan o karaoke pa led by Rozz, siyempre. For sure, memorable for Rozz ang inatenang fiesta sa kanilang barangay.