Advertisers
Ni Beth Gelena
Kapag walang project ang hearthrob actor na si Piolo Pascual ay mas nanaisin pa niya na ang maging kanlungan niya ay ang farm niya sa Mabini, Batangas.
Ang nasabing lugar isang tahimik na lugar na nagsisilbing kanlungan mula sa maingay at abalang buhay sa showbiz.
Kilala ito bilang isang “Earth Village” na nakatutok sa kalikasan at simpleng pamumuhay.
Ibig ni Papa P na maging self-sufficient ang kanyang farm. Kasama rito ang zero-waste management, paggawa ng sariling compost, at pagtatanim ng sariling pagkain gaya ng mga prutas at gulay.
Pag-amin ng guwapong aktor na noong panahon ng lockdown, naging mas simple ang kanyang buhay.
Minsan ay hindi siya naliligo nang ilang araw at nakahubad lamang para mas lalong malanghap ang sariwang hangin.
Natutulog siya kung minsan sa labas na walang bubong, kutson, o unan upang direktang makaugnay sa kapaligiran.
Bukod sa pagbubungkal ng lupa at pag-aalaga ng mga hayop gaya ng manok at kambing, mahilig din siyang mag-hiking sa bundok bago sumikat ang araw at mag-scuba diving sa kalapit na marine sanctuary.
Napakalawak ng lupain ni Papa P sa Batangas kung saan ang kanyang hilltop mansion ay may infinity pool at yoga deck.
Mula sa balkonahe, matatanaw ang Sombrero Island at bahagi ng Oriental Mindoro.
May plano si Papa P na magtayo ng isang kapilya at isang malaking krus sa tuktok ng bundok bilang landmark at handog para sa mga lokal na residente.
Hindi party goer si Papa P mas nanaisin pa niyang magbungkal ng lupa sa napakalawak niyang farm at taniman eto ng mga sari saring gulay na kanyang aanihin kapag pwede nang pitasin.
Hands on si Papa P sa kanyang bukirin.
Ani ng netizens: “I like papa P . Ani dapat mga batang artista karon . Mintras bata pa mag invest nag properties . You know di habang buhay baya ang kasikatan sabi nga nila hehehe.”
“Ipagpatuloy ang mo ang magandang layunin”
“Marap tlga tumira sa province sariwa ang hangin pati gulay”
“Godbless idol piolo ang galing mo hindi maarti”
“Ituloy mo ang kapilya Medyo lakihan mo na para kung umuulan ay hindi mabasa ang mga magsisimba”
“Sya Yung celebrities di ko nakitang mag display ng mga branded items walang Arte sa katawan good and respected artist God bless push your project not just kapilya church na God blesd”
“wow…very very nice idea and plan…hope one day we could visit your WONDERFUL PARADISE…WE ARE YOUR FANS FROM ALBAY (BICOL REGION)…WHERE MT. MAYON IS STANDING BEAUTIFULLY STILL)… GOD BLESS!!!”
“Wow nakaka amaze naman saludo ako sa iyo idol”
“Galing naman at least kung ayaw na niya nang maingay na lugar mayroon siyang tahimik na lugar na pupuntahan”
“ituloy mo lng ang pagtayo ng kapilya toktok ng bundok”