Advertisers

Advertisers

Rhian Ramos kinasuhan mga nagpapakalat ng sensitive photos nila ni Michelle Dee

0 39

Advertisers

Ni Anne Venancio

Nakatakdang magsampa ng kaso ang aktres na si Rhian Ramos laban sa mga umano’y nagpapakalat ng mapanirang impormasyon kaugnay ng mga sensitibong larawan na iniuugnay sa kanya.

Ayon sa pahayag ng kanyang legal counsel mula sa Kapunan & Castillo Law Offices noong Pebrero 23, mariing itinanggi ang mga alegasyon at iginiit na ilegal na nakunan at ninakaw ang mga larawan ng isang dating driver na pinagkatiwalaan ni Ramos. Anila, malinaw umanong pagtataksil sa tiwala ang nangyari at labag sa batas ang paggamit sa naturang materyal.

Nauna nang nadawit ang pangalan ni Ramos, kasama sina Michelle Dee at Samantha Panlilio, sa reklamong torture at serious illegal detention na isinampa ng dating driver at personal assistant na si Bonifacio Tibayan Baro.

Diniin ng kampo ni Ramos na ang pagiging public figure ng aktres ay hindi lisensya upang yurakan ang kanyang dignidad. Hinimok din nila ang publiko na maging maingat sa pagpapakalat ng impormasyon at igalang ang karapatan ng kababaihan, lalo na sa papalapit na Women’s Month.

Samantala, aminado si Ramos na nakararanas siya ng stress dahil sa sitwasyon, ngunit naniniwala sa katuwiran. “Pero I’m also quite confident na the truth will set us free,” wika ng aktres.

Ang kaso ay inaasahang magsisilbing paalala laban sa pagpapakalat ng pekeng impormasyon at ilegal na paggamit ng personal na larawan.